Rita Daniela, dating child star na nalaos sa ‘Regal Studio Presents: Anyare Sa’Yo’

ISANG heartwarming family story ang handog ng Regal Studio Presents ngayong Sunday sa mga manonood. Sigurado na marami ang maaantig sa bagong episode na pagbibidahan nina Snooky Serna, Jak Roberto at Rita Daniela.

Rita Daniela, dating child star na nalaos sa 'Regal Studio Presents: Anyare Sa'Yo'
Regal Studio Presents: Anyare Sa’Yo starring Rita Daniela, Snooky Serna and Jak Roberto

Ang episode ngayong Sunday ay pinamagatang ‘Anyare Sa’Yo‘. Kuwento ito ni Celestine/Baby Girl, dating sikat na childstar na pinaglipasan na ng panahon. Alam natin lahat na dumadaan sa ‘awkward stage’ ang mga child star kapag sila ay tumutungtong na sa kanilang teenage years.

Ang kaso, ang stage mother na si Luz (Snooky Serna) ay hindi pa rin maka-move on at pipilitin na i-push pa rin ang anak na magkaroon ng grand showbiz comeback.

Ironically, parehong dumaan sa pagiging child stars sina Snooky Serna at Rita Daniela. During her prime years, si Snooky ang isa sa very few child stars na nakapag-crossover to becoming a lead teen actress and until now ay reliable character actress pa rin. Si Rita Daniela naman ang grand champion ng Popstar Kids noong 2005 (then known as Rita Iringan), kung saan nakalaban pa niya ang fellow The Clash host na si Julie Anne San Jose. May panahon din na tumigil muna si Rita sa pagiging aktibo sa showbiz para mag-concentrate sa kanyang pag-aaral. Dumaan rin ito sa phase na puro kontrabida ang ginagampanan niya (as Rita De Guzman) at ngayon as a leading lady (Rita Daniela).

Kasama rin sa cast si Jak Roberto bilang Erwin, ang dating super fan ni Baby Girl na naging good friend (and boyfriend?) ni Celestine/Baby Girl. Ano kaya ang kahihinatnan ng kuwentong ito?

Panoorin ang Regal Studio Presents: Anyare Sa’Yo ngayong Sunday, 4:35 PM sa GMA pagkatapos ng Dear Uge.