Rico J. Puno, patuloy ang recovery matapos atakehin sa puso

Rico J. Puno, patuloy ang recovery matapos atakehin sa puso

Ric-J-PunoISA AKO sa nagulat nang kumalat ang balitang inatake raw sa puso si Rico J. Puno, at isinugod daw ito sa Makati Medical Center.

Ang kuwentong nakarating sa amin, sa taping daw ng Home Sweetie Home niya, nakaramdam daw ito ng hirap sa paghinga. Kaya pina-pack up na ito agad.

Nu’ng nagpa-check-up daw ito sa Makati Medical Center, pinasok na raw ito sa ICU at pina-schedule na raw sa Andiogram operation.

Nu’ng kamakalawa ng umaga lang siya naoperahan at ang ipinarating ng bestfriend niyang si Richard Merck, successful daw ang operation. Pero ang latest na balita, ililipat na raw si Rico sa Asian Hospital at naghahanap pa sila ng O+ na dugo dahil itutuloy na raw ang bypass sa kanya. Ang dinig ko, triple bypass ang gagawin sa kanya, eh. Sana nga malagpasan ito ni Rico at tuluy-tuloy ang pagaling niya.

Kaya hihintayin na lang daw nila ang payo ng doktor kung hanggang kailan ang recovery niya.

Ang ikinaloka ko, ipinag-produce pa ‘yan ng kaibigan ko ng show para sa April 30 para sa opening ng bagong bar nila.

Siyempre, hindi pa niya kayang mag-show n’yan, kaya naghahanap pa ng kapalit. Hindi ko lang knows kung sino na ang ipapalit.

Pero mabuti na rin at naging okay ang operasyon kaya, sana tuluy-tuloy na ang paggaling ni Rico J.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis