Rico Blanco may sweet message para kay ‘madam’ Maris Racal sa kanyang kaarawan

PUNO ng kilig ang aming timeline dahil sa pa-birthday greeting ng OPM Rock Icon na si Rico Blanco para sa kanyang girlfriend na si Maris Racal, who just turned 24 years old noong Miyerkules.

“Happy birthday madam. Love you so much po,”  simpleng pagbati ni Rico sa kanyang girlfriend.

Rico Blanco may sweet message para kay 'madam' Maris Racal sa kanyang kaarawan
Rico Blanco and Maris Racal

Kalakip ng kanyang pa-birthday greeting ay ilang kuha mula sa ‘Asa Naman’ music video set at kanilang selfie as a couple.

‘SANA ALL!!!’ sigaw ng ilang netizens lalo na ang mga die-hard fans ni Rico Blanco. Napakahaba naman daw talaga ng buhok ni Maris!

Despite the 25 years age gap ay tila accepted ng madlang pipol ang kanilang relasyon.

Maliban sa pasabog na birthday greeting ng dyowa, may pasabog din na fierce pictorial si Maris Racal with BJ Pascual. Wet look with strong make up na ’tila nagpapahiwatig na talagang woman na si Maris Racal – kahit na physically ay teenager pa rin ang kanyang look sa aming paningin!

Two weeks ago ay pinakilig nina Rico at Maris ang mga fans sa kanilang ASAP Natin ‘To performance habang inaawit ang first collaboration nila na ‘Abot Langit’.

Narito naman ang mensahe ni Rico para sa dalaga pagkatapos ng kanilang performance.

“Madami kang gustong gawin, narinig ko ‘yung mga bagong kanta niya, marami pa siyang ideas. So sana huwag kang ma-frustrate na medyo challenging ‘yung times ngayon,”

“Just continue enjoying what you do, because I think if you enjoy the process, you can dream whatever dream [ang gusto mo] marating,” dagdag pa niya.

Umaariba naman ang bagong music video ni Maris Racal para sa kanyang latest single na ‘Asa Naman’ na konting kembot na lang ay aabot na rin sa 1 Million views.

Happy Birthday sa’yo, Maris! Stay-in Love! He-he-he! Sana ol!