Ricky Rivero’s case, not new in Facebook

ADVERTISING

 Ricky Rivero’s case, not new in Facebook

 Ricky Rivero’s case, not new in Facebook  HAY NAKU! HINDI na bago itong kaso ni Ricky Rivero, pero hindi pa rin tayo natututo.

Buti na lang nabuhay pa si Ricky, kaya kaagad nalaman kung sino ang may kagagawan ng naturang krimen.

Kuwento nga ng staff namin sa Startalk, nang pumunta raw sila sa QCPD Station 10, kung saan doon nakakulong ang taong nanaksak kay Ricky, nagdi-deny pa ito nu’ng una.

Pero inconsistent ang mga isinalaysay nito sa mga pangyayari.

ADVERTISING

Ang pakay lang naman daw niya ay tulungan si Ricky na itakbo nang hospital dahil marami na raw itong dugo.

Kaya raw niya itinapon ang kutsilyong ginamit sa pananaksak dahil natatakot daw siyang baka siya nga ang mapagbintangan.

Magkaibigan daw sila ni Ricky at mabait daw ito sa kanya kaya hindi raw niya kayang gawin ‘yun. Kung ituturo pa raw siyang may kagagawan sa naturang krimen, konsensiya na lang daw ito ni Ricky.

Pero pagdating ng St. Luke’s Hospital, positibong siya nga ang may kagagawan dahil galit na galit daw si Ricky na kinumpirmang siya ang nanaksak at pati mga gamit nitong nakita sa bag nitong suspek ay pag-aari nga ni Ricky.

Kaya pormal na itong kakasuhan, at ang sabi nga ng imbestigador, case closed na raw ito.

Pero ano ang leksyon nito lalo na sa mga nakikipagkilala lang sa Facebook at nagdadala ng lalaki sa kanilang bahay?

Sana mag-ingat na talaga lalo na sa panahon ngayon.

Sabi nga ng imbestigador, huwag basta-basta magdala sa bahay mo ng taong hindi mo naman gaanong kakilala.

Lalo na ngayon sa social networking na ‘yan na ang dami na nating nabalitaang krimeng diyan sa Facebook nagsimula. Kaya dapat mag-ingat na talaga.

Hay, naku! Hindi lang minsan ‘yan nangyari sa ilang production staff ng mga taga-ABS-CBN 2. Sana may gagawin silang order kaugnay sa mga ganu’ng pangyayari.

 

PINAGTAWANAN NA LANG ni Ogie Alcasid ang mga nagkakalat ng kuwentong buntis na raw si Regine Velasquez nu’ng ikinasal sila, kaya anim na buwang buntis na raw ito.

Bakit nga naman nila itatago iyan. Eh, ‘di sana malalaman na ngayon kung ano ang gender ng ipinagbubuntis ni Regine.

Naghihintay pa nga sila sa susunod na check-up dahil malamang na sa susunod na buwan pa raw nila malalaman kung baby boy o girl itong dinadala ni Regine.

Sabi pa nga ni Ogie, bilangin na lang daw kung ilang buwan talaga, dahil sa November pa ang due nito. Kaya paano naging six months na ‘yan ngayon.

Biro pa ni Ogie, baka siya raw ang buntis nu’ng time na ‘yun.

Tuwang-tuwa si Ogie na ikinuwento nu’ng minsang nag-perform daw siya sa Singapore.  Sikat na sikat pala roon si Regine at gustung-gusto nila ang Asia’s Songbird.

Nang sinabi raw ni Ogie na asawa niya ito, parang ayaw raw nilang maniwala. Hindi raw sila makapaniwalang siya ang napangasawa ni Regine kaya talagang super-explain pa raw siya na siya talaga ang asawa.

Sa event nga ng Pagcor@OPM nu’ng nakaraang linggo, nandu’n din si Regine para sumuporta sa project na ito ng OPM, umiiwas siyang magpakuha at magpa-interview dahil ang taba na raw niya at lumalaki na ang tiyan nito.

At least safe na siya at masaya na ito sa kanyang pagbubuntis.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING