Ricky Reyes, pasok sa 10 pinakamayayamang showbiz celebrity!

ADVERTISING

Ricky Reyes, pasok sa 10 pinakamayayamang showbiz celebrity!

Ricky Reyes, pasok sa 10 pinakamayayamang showbiz celebrity!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes!! Now na!!! To the maximum authority of chikka ng inyong yours truly at bonggang-bonggang chismax na naman ang aking isi-share na talaga namang nagmula ito sa survey na talagang pinag-uusapan. Mag-a-agree ba kayo, mga kaparazzi, o hindi?

May mga naniniwala, merong hindi kapani-paniwala na masa-sabi nga sa survey na itong babanggitin ko. Sila raw ang sampung pinakamayaman sa Pilipinas at in order pa. Ano ka-yang masasabi ng mga fans nila, sang-ayon kaya sila? Heto na…

10. VIC SOTTO – talaga namang kapani-paniwala ang kayamanan niya dahil mukhang pinaghirapan niya ‘yan. 9.SENATOR BONG REVILLA – perfect, ‘yun lang ang say ko. 8. LUCY TORRES – effect lang dahil mayaman naman talaga ang pamilya niya. 7. KRIS AQUINO – effect lang din kasi knows mo rin naman na talaga namang maharlika rin ang family niya. 6. DOLPHY – siyempre naman bongga ang kayamanan kaya lang ang pamilya niya ay sa kanya lahat nakaasa… hmm. 5.RICKY REYES – nakakaloka, mas mayaman pala si Mama Ricky sa kanila, ‘yan ay sang-ayon lang sa survey. 4. VILMA SANTOS – effect lang din. 3. WILLIE REVILLAME – no comment, haha! ‘Di ko alam kung saan nanggaling ang kayamanan niya. 2. SHARON CUNETA – effect lang din. 1. MANNY PACQUIAO – ‘di nakapagtataka… pak!

ADVERTISING

Pero itong mga ito, ayon lang sa isang survey na nanggaling kay Willie Fernandez at survey ek-ek lang, ano kaya ang masasabi ng mga kaparazzi natin d’yan?!

 

AT HETO NAMAN ang isa pang chikka na isi-share ko dahil noong nakaraan ay naisulat ko sa inyo ang natulungan namin na si Paul Sorsogon, ang writer noon na ngayon ay pakalat-kalat na lang.

Bakit naglalabasan ang intriga kung kailan nasa mabuti na siyang kapakanan, na kung sino ang tumulong hindi na mahalaga ‘yun. At least, alam ko sa sarili ko, nakatulong na ako at nagmagandang-loob ako sa tao, dahil talagang alam din ‘yan ng mga anak ko na talagang tinulungan ko si Paul. At kahit itanong n’yo pa sa Wish Ko Lang.

Kaya lang, hindi na kasi isyu ‘yan, ‘wag na nating intrigahin ang kapwa natin. Lalo na ‘yung taong gustong umangat sa sarili niya at alam n’yo rin naman na matalino talaga ‘yang tao na ‘yan… matuto na tayo.

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong TV host na ito na talaga namang mapera na at talaga namang nakapag- asawa ng isang bilyonario?

Talagang masasabi mo naman din na maharlika na siya, kaya lang kaya hindi sila magkasundo ay hindi signature ang mga damit at mga accessories nito. At ‘eto pa ang malupit du’n, dahil nagpunta siya sa isang flower shop, ang taray, ‘noh? Kaya lang, talagang sa Dangwa talaga! ‘Yung bagsakan talaga at tawad pa ng tawad ang lola mo.

Naku, naman, ‘te… kung umarte ka sa TV, akala mo ay ‘di ka nagpupunta sa mga ganyang lugar. Pak! Kaloka, haha!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang a-king anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING