Richard Yap, sanay na sa kabaklaan ni Vice Ganda

ADVERTISING

Richard Yap, sanay na sa kabaklaan ni Vice Ganda

Richard-YapHINDI NAITAGO ni Richard Yap ang lungkot dahil magtatapos na ang daytime TV series nila ni Jodi Sta. Maria na Be Careful With My Heart na tumagal din ng halos dalawang taon sa telebisyon.

Bukod sa pagte-taping ng serye, gumagawa pa ng pelikula si Richard na intended para sa darating na Metro Manila Film Festival na sequel ng Praybet Benjamin na pinagbibidahan ni Vice Ganda.

Nalungkot man siya sa pagtatapos ng kanilang TV series, nagpapasalamat pa rin si Richard dahil dumating ang mga opportunities sa kanya mula sa naturang serye.

Magbabakasyon daw muna si Sir Chief pagkatapos ng serye dahil wala pa naman siyang susunod na serye sa unang buwan ng 2015. Pero if ever na may plano raw ang ABS-CBN na bigyan siya ng character role para maiba naman sa mga character na ginagawa niya, malugod niyang tatanggapin para mahasa pa raw ang kakayahan niya sa acting.

ADVERTISING

Samantalang sa isyu na naiilang daw siya sa kabaklaan ni Vice Ganda habang ginagawa nila ang pelikula, sabi ni Richard, wala raw ganoong pangyayari. Katunayan, wala raw siyang nadamang pagkailang dahil nagkasama na raw sila ng sikat na komedyante/TV host sa Europe series of shows.

Sa naturang abroad series of shows lalo raw niya nakilala at naging kaibigan si Vice. Isang tunay na tao at kaibigan ang turing niya sa nag-iisang Vice.

Malaki ang respeto sa kanya ni Vice kaya malabong mailang daw siya at hindi naman daw siya isang homophobic na tao.

Gustung-gusto nga raw ni Richard ang energy ni Vice dahil lagi raw silang pinatatawa at pinasasaya nito habang ginagawa nila ang pelikulang intended sa MMFF.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING