Richard Yap, nararamdaman na ang presence sa afternoon TV series

ADVERTISING

Richard Yap, nararamdaman na ang presence sa afternoon TV series

Richard-YapNARARAMDAMAN NA ang presence ni Richard Yap sa afternoon series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ,lalo pa ngayong unti-unti na siyang napapalapit sa karakter ni Vina Morales. Sa teaser nga, may selos nang nararamdaman si Christian Vasquez, ang ex-husband ni Vina.

ADVERTISING

Sa personal na buhay, masaya na rin si Vina na nakatagpo ng bagong pag-ibig. Noon pa niya ikinukuwento na posible na siyang magmahal ulit after Cedric Lee, pero tinitingnan pa raw niya ang sitwasyon.

Now, she is officially in a relationship at masayang-masaya raw siya dahil bukod sa bonggang career, meron na ring lovelife, huh!

Anyway, masipag namang mag-mall tour ang ibang cast ng Nasaan Ka like Jane Oineza, Jerome Ponce, at Manolo Pedrosa. Nasa Lipa, Batangas sila nu’ng Sunday para pasayahin ang fans at avid viewers ng NKNKK.

ADVERTISING

Lagare naman ang beauty ni Denise Laurel who is also part of the afternoon series. Bukod kasi sa NKNKK, celebrity contestant din si Denise sa Your Face Sounds Familiar na nasa second season na ngayon.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING