Richard Yap, napasagot din sa wakas nina Mother Lily at Roselle Monteverde

ADVERTISING

Richard Yap, napasagot din sa wakas nina Mother Lily at Roselle Monteverde

Richard Yap With His Manager Kate Valenzuela, Mother Lily Monteverde & Roselle Monteverde
Richard Yap With His Manager Kate Valenzuela, Mother Lily Monteverde & Roselle Monteverde

Matagal na palang gusto ni Mother Lily and Ms. Roselle Monteverde na makuha ang serbisyo ng aktor na si Richard Yap.

‘Yun nga lang, sa sobrang kabisihan ng aktor ay matagal bago ito napapirma ng kontrata sa Regal Films sa isang bonggang proyekto na magsisimula na ang shooting sa first week of July.

Yes, si Richard Yap, pumirma ng kontrata sa Regal for a movie na gagawin niya na hopefully ay makasali sa Metro Manila Film Festival 2016 na ang deadline of submission of all entries (buong pelikula na at hindi lang synopsis and casting sa bagong ruling) by September. Kasama ng aktor ang kanyang manager na si Kate Valenzuela.

Lately ay super busy kasi si Richard, na ang huling pelikula niya ay ang “Achy Breaky Hearts” ng Star Cinema na nagsimula nang ipalabas nationwide simula kahapon ay pinipilahan sa takilya.

ADVERTISING

Sa bagong project ng aktor, excited sina Mother Lily at Roselle sa pelikula na magtatampok kay Richard in the lead role, kung saan ang kuwento ng “Mano Po 7” ay iikot sa bidang lalaki na Tsinoy.

As of this writing, Jean Garcia plays the role of Richard’s wife at si Janella Salvador naman ay gaganap na isa sa mga anak niya.

“As of the moment, may mga negotations kami na ginagawa sa ibang mga stars na makasasama sa pelikula. We are still checking on their schedules,” pahayag ni Ms. Roselle sa amin.

We will give you an update kung sino ang final casts ng “Mano Po 7” very soon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING