Richard Yap, naghubad sa pelikula

Richard Yap, naghubad sa pelikula

Richard-YapIBA RIN ang appeal ni Richard Yap. Tahimik. Misteryoso at ngingiti-ngiti lang. Ang ganitong traits niya, rito nababaliw ang mga babae sa kanya.

Pero masi-shock daw ang mga fans ng “The Clean, The Perfect Guy” na peg ni Richard dahil sa pelikulang You’re Still The One sa direksyon ni Chris Martinez, super sexy ang aktor sa kanyang eksena with Maja Salvador.

Yes, sa itinagal-tagal ni Richard aka Ser Chief and Papa Chen na makita ng fans ang kanyang torso at shirtless bod, masasaksihan ng mga babae at bekis na nag-iilusyon sa katawan ni Richard ang paghuhubad ng aktor sa pelikula.

Deskripsyon nga ng mga miron sa shooting ng pelikula tungkol sa love scene nila ni Maja, “Super hot. Super sexy. Imagine, si Papa Chen for the first time, makikita mo ang hubad na katawan na nakalapat sa katawan ni Maja.”

Reyted K
By RK VillaCorta