Richard Yap, nagbago ng image

Richard Yap, nagbago ng image

Richard-YapSEXY. AS in super sexy ang description namin kay Richard Yap aka Papa Chen/Ser Chief na pantasya ng mga nanay at mga lola na ngayon ay super duper subject ng sexual fantasies ng mga beki.

Kung dati’y kilig to the bones ang mga maybahay sa so clean – so good (parang motto ng isang chain of motels) si Richard, this time with his new look, he looks sexier and oozing with sex appeal.

Salamat kay Bhoy Navarette (if his name rings a bell, siya ang nag-aayos kay Ate Luds aka Inday Badiday) noon sa Eye to Eye in the late 80’s. Short hair ngayon si Papa Chen. Mas gumuwapo. Wala na siyang suot na salamin at naka-contacts na lang at ngayon nga ay nagpapatubo ng bigote.

Sabi ko sa kanya, when we met at his post Chinese New Year and Thanksgiving sa ilang mga kaibigan niya sa entertainment press recently, I told him na mas type ko siya ngayon compare before na ang dating niya, parang elementary school teacher na stiff, mukhang masungit pero delicious pa rin para sa mga babaeng edad 25 pataas.

Pero ngayon, may bagong captured market si Richard sa kanyang pagbagong image, ang mga beki (in all levels specially mga bisexuals) with his “metrosexual” appeal.

“I still do my exercises to maintain my body. Kahit busy, I need to go to the gym,” kuwento niya.

Kung iniisip ninyong namasyadong seryoso si Richard ay nagkakamali kayo. Kabaliktaran lang pala ang pagiging “masungit look” niya sa totoong siya during our short tsikahan. Marunong sumakay sa tanong kahit medyo magpaka-sexy.

Sabi ko nga, with his new look, mas nag-level up ang kanyang sex appeal na panahon na siguro to shed of his shirt and show-off his abs. “Malapit na. Pero wala ako nu’n. Ang meron ako AB,” as in kulang ng letter “S”.

Siguro sa muling pagharap niya sa kamera para sa bagong project niya with Judy Ann Santos, a more relax Richard na ang mapanonood ng publiko.

Anytime in March na ang simula ng taping. At the moment, pina-plantsa pa ang ilang mga detalye ng bagong show niya.

For 2015, marami siyang gagawin. Two movies and an album. “Pero excited ako sa project namin ni Juday,” pahayag niya.

Last Valentine’s Day, nag-group date lang si Richard with his wife and some relatives from overseas na dumating sa bansa. They just watched The Platter’s show. “Nothing romantic. Valentine’s Day is everyday sa amin ni misis,” sabi niya.

Reyted K
By RK VillaCorta