Richard Yap, inamin ang tunay na dahilan sa pag-backout sa show ni Ai-Ai delas Alas

Richard Yap, inamin ang tunay na dahilan sa pag-backout sa show ni Ai-Ai delas Alas

Ai-Ai-delas-Alas-Richard-YapNAGING GENTLEMAN si Richard Yap kaya sinabi niya na technical problem ang dahilan kaya nag-back-out siya sa dapat sanang naudlot ding Valentine concert ni Ai-Ai delas Alas. Pero ang totoo pala, binigyan ni Richard at handler ang producer ng show ng tatlong pagkakataon para tuparin ang napag-usapan nilang downpayment bago ganapin ang concert.

Ayon kay Mr. Yap, may nakakarating na rin daw sa kanilang balita tungkol sa producer ng Valentine concert sana ni Ms. Ai-Ai na hindi maganda. Pero binigyan pa rin daw nila ng pagkakataon ito, pero talagang hindi raw matupad ang nakapagsunduan nila kaya tuluyan na silang umartas na makasama sa concert.

“May experience na rin kasi kami na ‘di nabayaran sa isang show kaya naging maingat na ang staff at manager ko. Pero binigyan pa rin namin siya ng pagkakataon na hindi naman niya tinupad,” say ni Richard.

When asked kung nakapag-usap na sila ni Ms. Ai-Ai matapos siyang magback-out sa concert?

“Hindi pa kami nagkausap ni Ms. Ai-Ai. Ayoko nang dagdagan pa ang dinanas niyang problema. Nalungkot ako sa nangyari sa kanya dahil alam ko kung paano niya ‘yun pinaghandaan,” say ni Sir Chief.

Samantalang humingi muli ng suporta si Sir Chief sa press na tulungang mapag-usapan ang susunod niyang teleserye sa ABS-CBN kung saan kasama niya si Judy Ann Santos.

May dalawang movies din siya nakatakdang gawin sa Star Cinema this year. Pero ‘di pa raw niya alam kung sino ang makakasama at magiging pamagat ng movie. At may recording din siya na gagawin sa Star Record.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo