Richard Yap, hot sa kanyang cowboy look

Richard Yap, hot sa kanyang cowboy look

Richard Yap
Richard Yap

Sino’ng may sabi na cutie lang at harmless ang dating ni Richard Yap aka Papa Chen or Ser Chief sa mga nilalabasan niyang teleserye or pelikula?

Sabi, boring daw kasi ang karakter niya sa mga teleserye niya. Masyadong malinis. Kumbaga, naghahanap ang iba ng konting sutil sa karakter ng “daddy ng bayan”.

Palagi kasing balot na balot si Papa Chen sa mga pictures niya. Maging ang mga eksena niya sa mga palabas niya (teleserye man o pelikula), hindi mo man lang masilip kung anong pangangatawan ang nakatago behind those long sleeve shirt, dahil never pa yatang nakikita ng kanyang mga fans and supporters ang tunay na kamachohan ni Richard Yap.

Puwes, dahil sa sobrang init na dala-dala ng El Niño ngayong tag-araw, para sa mga fans niya na mga girls at beki, lalo na ang mga matrona, heto ang regalo namin sa inyo para lalo kayong mag-init sa kaseksihan at kamachohan ni Richard in his cowboy look na kuha noong nagmo-model pa siya noon sa Cebu.

Girls, kung si Papa Chen ang cowboy, sino ngayon ang puwedeng gumanap sa role na “kabayo”?

Enjoy!

Reyted K
By RK VillaCorta