Richard Yap, ‘di isyu ang sexuality ng followers

Richard Yap, ‘di isyu ang sexuality ng followers

Richard-YapSI RICHARD Yap pantasya ng mga dalaga, mga ina at mga hot momma.

Aminado si Richard na mula nang pasukin niya ang showbiz, majority ng followers niya ay mga kababaihan. Iba ang hatak ni Richard sa girls at young women, maging sa mga nalalapit nang maging “lola”.

Bukod siguro sa guwapo si Richard as Papa Chen at Ser Chief, ang imahe na dala-dala niya at pino-portray ay imahe ng mga pangarap ng mga babae para sa isang boyfriend o asawa.

Kaya suwerte ni Mama Chen na kahit maraming aali-aligid kay mister, loyal si Richard sa kanyang misis.

With his new look na medyo swabe at cool na cool na ang tawag nila ay “metrosexual” look, may bagong market si Richard sa kanyang tipong pencil moustache and a bit of a spiky hairdo na mas bagets ang dating compare sa first two characters niya sa telebisyon as Papa Chen (in Binondo Girl) and as Ser Chief (in Be Careful With My Heart).

Sa katunayan, mas sexy si Richard ngayon sa bago niyang itsura sa teleserye na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos na Someone to Watch Over Me ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network.

Richard’s latest market and follower ay ang bisexuals. Yes, hindi lang students at young moms ang followers ngayon ng television sensation, kundi ang mga beki na para sa kanila ay super lakas ng sex appeal niya sa mga ito.

“Ok lang. I’m thankful,” pahayag ni Richard sa formal announcement ng teleserye nila ni Juday kamakailan tungkol sa bisexual followers niya.

Si Richard na very educated (a graduate of a business degree from DLSU), hindi isyu sa kanya ang sexuality ng tao.

“What’s important ay ‘yong respeto na ibinibigay nila sa ‘yo,” pahayag niya.

Sa bagong serye nila ni Juday makakasama nila sina Tirso Cruz III, Diether Ocampo, at Mr Eddie Garcia.

Reyted K
By RK VillaCorta