Richard Yap, ayaw gawing ‘no.2’ si Jodi Sta. Maria

ADVERTISING

Richard Yap, ayaw gawing 'no.2' si Jodi Sta. Maria

Richard Yap & Jodi Sta. Maria with Ian Veneracion and Director Antoinette Jadaone
Richard Yap & Jodi Sta. Maria with Ian Veneracion and Director Antoinette Jadaone

Dedma si Richard Yap sa bashers ng love team nila ni Jodi Sta. Maria na magkasama ngayon sa pelikulang “The Achy Breaky Hearts” ng Star Cinema.

ADVERTISING

“Hindi mawawala ‘yun, eh. Kasi meron naman talagang tao na walang magawang matino sa buhay. ‘Yung iba, professional bashers talaga, walang ginagawa kundi nasa social media lang. ‘Yun naman, eh hindi na natin pinapansin na,” pahayag ni Richard Yap.

Naisip ba niyang totohanin noon ang love team with Jodi Sta. Maria?

“Well, like  I’ve said before sa ibang interview, Jodi is a lovable person nga. So ,mabilis kang maano sa kanya because mabait, maganda, parang she has both the qualities in one.

ADVERTISING

“But we try to separate ‘yung real from the reel, kasi, we don’t want to complicate things also and we respect Jodi. Kasi alam namin, ‘di ba, as a person na may asawa na? Ayaw rin naming gawin sa kanya na parang ‘gagawin kitang no.2’, parang ganu’n,” aliw niyang sagot.

Kasama rin sa “The Achy Breaky Hearts” sina Ian Veneracion, Beauty Gonzales, at Sarah Lahbati. The film is directed by Antoinette Jadaone at palabas na sa Miyerkules, June 29.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING