Richard Gutierrez, wish na makasama ulit si Angel Locsin

ADVERTISING

Richard Gutierrez, wish na makasama ulit si Angel Locsin

Richard Gutierrez, wish na makasama ulit si Angel LocsinMAY MGA lumalababas na balita na magkakaroon ng reunion project sina Richard Gutierrez at Angel Locsin. At ayon pa sa ulat ng Ang Latest ng TV5 last Monday, isang dream project diumano ito ‘pag nagkataon para sa dalawa.

Sa panayam kay Richard, inamin niyang marami na siyang naririnig na request ng fans para gumawa sila ulit ng pelikula ni Angel. Kuwento niya, “Maraming fans ang nagre-request, maraming tao ang nagsasabi na dapat gumawa raw kami ni Angel ng movie, I miss working with her. Ako sa akin, basta movie with Angel, any role basta maganda ang script, I’m game to do it.”

Pero sad na inamin ni Richard na mahirap itong mangyari lalo na sa ngayong nasa magkalabang istasyon sila. Panghihinayang pa niyang pahayag, “I wanna do a movie with her ngayon, kaso mara-ming technicalities and it’s hard. She’s part of ABS-CBN, I’m part of GMA, but hindi naman malayong mangyari ‘yun, kasi syempre nagawa na natin ‘yan before. Hopefully at the right time.”

Samantala, looking forward naman si Richard sa unang Pasko nila ng kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati. Paano kaya nila ito isi-celebrate ng girlfriend? Isa kaya ulit bakasyon ang gagawin nila gaya ng nakaraang bakasyon nila ni Sarah sa Europe?

ADVERTISING

Lahad nito, “Sa Pasko ngayon kasi, work mode muna ako. Kasi ‘yung bakasyon, kung ‘yon matagal kong pinaalam, matagal kong binulungan dahil nga mahirap magpaalam nang matagal. Ngayong Pasko, its an intimate celebration kasama ‘yung pamilya ko. Baka rito sa Manila o du’n sa Cebu gawin. Very simple lang ‘yun, traditional Christmas vacation.”

 

PAGDATING DAW sa pag-arte, angat daw ang Artista Academy Best Actor na si Vin Abrenica sa kanyang kapatid na si Aljur. Ito ang sinagot ni Vin sa victory party ng SoVin (o Sophie-Vin) last Sunday na ginanap sa Cojuangco Residence nina Sophie sa Dasmariñas Village, Makati. Kasama rin nila ang mga kapamilya, kaibigan at SoVin supporters.

So, may sibling rivalry na nga ba sila dahil sa tsikang mas angat siya sa kapatid pagdating sa pag-arte?

Kuwento ni Vin sa amin, “Wala namang rivalry, actually he’s really proud, sinasabi n’ya sakin, siya nagtse-check ng buhay ko sa showbiz, sinasabi n’ya so far so good. Wala ring kumpetisyon, wala talaga, sinusuportahan niya ako.”

Nagkaroon muna ng thanksgiving mass sina Sophie Albert at Vin bago ang simpleng party na may kasama pang kaunting palaro. Kuwento ni Vin, “We’re celebrating ‘yung victory party namin ni SoVin. I’m so happy na kasama ko ‘yung family niya and family ko. Sobrang saya, na nagsimula kami sa AA paglabas namin ng AA nandu’n pa rin ‘yung SoVin. Akala ko mag-i-stay lang siya sa AA, pagkatapos ng AA, SoVin pa rin, solid.”

Richard Gutierrez, wish na makasama ulit si Angel Locsin

Marami ang nakakapansin na diumao ay ‘more than friends’ na ang pagiging love team nila ni Sophie, ano ba ang totoo tungkol dito? Say nito, “Kami talaga, we’re getting close, dati close kami talaga sa AA pa, tapos solid pa rin kami hanggang ngayon. ‘Yung iba, hindi nage-gets, akala nila minsan kami na ni Sophie, minsan silang dalawa naman ni Jon (Orlando, AA student din). Meron talagang solid kaming tatlo, we’re bestfriends.”

Incidentally, magkakaroon ng show sa Zirkoh Morato sina Vin, Aljur at ang kanilang ama na si Jojo na pinamagatang ‘Father and Sons’ sa darating na December 8, 2012.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING