Richard Gutierrez, walang pagsisisi nang lumalaylay ang showbiz career

ADVERTISING

Richard Gutierrez, walang pagsisisi nang lumalaylay ang showbiz career

Richard Gutierrez, walang pagsisisi nang lumalaylay ang showbiz careerTama lang siguro na nag-lie low si Richard Gutierrez sa kanyang showbiz career mula nang maging preggy ang live-in girlfriend niyang si Sarah Lahbati hanggang sa manganak ito.

“Na-enjoy ko naman ang pagiging stay home dad. I had more time with my son,” kuwento ni Chard sa amin at the press launch of Carlo J Caparas’ “Ang Panday’ na magsisimula nang mapanood sa primetime sa TV5 simula sa Lunes, February 29.

Walang pagsisisi kay Richard Gutierrez na lumaylay ang showbiz career niya when he decided to be a dad, dahil happy and contened naman niya sa pag-aalaga sa anak while si Sarah naman ay busy rin sa kanyang showbiz career sa Kapamilya Network.

After almost two years of absence sa showbiz scenes at pamamahinga, mas excited ngayon siya sa kanyang muling pagbabalik.

ADVERTISING

During our interview, maraming nagbago kay Richard Gutierrez. Mas pinanday siya at mas matured nang sumagot na sabi nga namin sa kanyang ina na si Tita Anabelle Rama, malaki ang ipinagbago niya. Mas marunong na siyang sumagot sa mga tanong ng press sa kanya kumpara dati.

Sa ngayon, high na high nga siya sa katunayan sa papuri ni Direk Carlo J. Caparas na after Fernando Poe, Jr. at Bong Revilla, siya ang akmang artistang lalaki sa liga niya na puwedeng-puwedeng maging Flavio sa bagong bersyon ng “Ang Panday”.

I remember Carlo J. told us na, “Wala akong maisip na ibang artista ngayon na pwedeng gumanap as the new Flavio. Siya ang gusto ko,” kuwento ng Direk Carlo sa amin.

Modernized ang interpretasyon ng “Ang Panday” pero may mga karakter pa rin from the old mystical world na ginagampanan ni Christoper de Leon na mahigpit na katungali ni Flavio.

At the moment, concentrated si Richard sa muling pagiging aktibo niya sa showbiz with his new serye produced by Viva Entertainment and TV5.

And how about their plan for getting married? “It can wait. Hindi naman minamadali ‘yan. Nag-uusap kami ni Sarah about our plans in the future and at the moment, it’s not in our priority list,” sabi niya.

Bukod kay Christopher de Leon, kasama sa “Ang Panday” sina Epy Quizon, Alonzo Muhlach, Sam Pinto, Jasmine Curtis, Bangs Garcia, Ara Mina, at CJ Caparas sa direksyon ni Mac Alejandre.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING