Richard Gutierrez, walang balak pakasalan si Sarah Lahbati?

Richard-Gutierrez-Sarah-LahbatiDEADMA SI Sarah Lahbati sa mga nang-iintriga na baka walang balak si Richard Gutierrez na pakasalan siya. Three years na kasi ang kanilang relasyon at dalawang taon na ang anak nilang si Zion kaya may mga nagtataka kung ano pa ang nakapipigil for them to get married na.

“We are young. We’re taking our time,” sabi nga niya. And we don’t want to feel pressured para lang ma-please ‘yong mga tao na finally, ikakasal na. We’re taking our time. Pinag-iisipan po namin ‘yon. Pero hindi namin gustong pilitin na ngayon na, this year na para lang maging masaya ‘yong mga tao.

“And you know, what we have… we have a strong relationship.  And we know where we are, where we stand as a couple. And you know… you inspire each other. Okey ‘yong communication namin. We’re like bestfriends. Para talaga kaming mag-bestfriend. Kaya I think importante na may friendship na foundation before, you know… entering into a relationship.”

Wala pa ba silang plano na sundan si Zion?

“Well, naiisip ko once in a while dahil masarap din na magkaroon ng kapatid si Zion na parang baby brother or sister. But we’re (sila ni Richard) taking our time. And Zion is growing up so fast. So, we don’t wanna rush things.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleRuffa Gutierrez, hindi priority ang relasyon sa dyowang foreigner
Next articleMo Twister, naaksidente sa motorsiklo

No posts to display