Richard Gutierrez, wala nang project sa Siyete? by Tita Swarding

Richard Gutierrez, wala nang project sa Siyete? by Tita SwardingRichard Gutierrez, wala nang project sa Siyete? by Tita SwardingOLACHIKKA! HALOS ISANG linggo nang pinag-uusapan ngayon at pinagpipiyestahan ang kabalbalang ginagawa ng TV host na si Willie Revillame. Halos lahat ng litanya ay ibinato na sa kanya kung saan marami ang nagsasabi na he deserves it naman dahil siya mismo ang may gawa. Tsek! Tsek! Tsek! ‘Yun na lang ang aking masasabi.

Pero ngayon ay usap-usapan sa loob pa mismo ng ABS-CBN lalo na sa Wowowee . Itsinika ng aking Parazzi Girl at ilang mga malalapit na kaibigan na nasa loob mismo ng istasyon na hindi lang pala mga staff ng Wowowee ang ayaw na kay Willie,pati mga guards, crew at marami pa. Nakakaloka, ha. At mismo pala ang isa niya na kasamahan na host din ay ayaw rin kay Willie. Ha! Ha! Ha! Kaya ‘yung ilang mga host na nawala sa programa ay ngiti nalang ang ganti nila kay  Willie.

Ito pa ang isa sa nakakaloka, pati ang ilang mga TFC subscriber ay apektado na rin sa ginawa ni willie. Ayon  sa ilang subscribers,kung hindi tatanggalin si Willie ay ayaw na rin nilang mag-subscribe sa TFC. Ang dagdag pa na tsika na galling mismo sa ilang staff ng Wowowee, hindi raw totoong dalawang linggo na mawala ang TV host kundi walang-wala na talaga siya sa programa. Kalerke nga naman. Mas maganda pa ‘yung mawala na siya diyan sa programang ‘yan dahil marami namang mas magaling pa kay  Willie at talented pa at hindi trying hard kumanta at mas may K talaga kaysa kay Willie. Kaya abangan na lang natin kung susulpot pa ba ang TH na TV host at ang mga aksyon ng KBP at MTRCB. Ewan ko lang sa ABS-CBN, mukhang nagpaka-bingi na rin. ‘Yun na!

HOW TRUE ANG tsikang wala na raw project na naka-line up sa guwapong si Richard Guttierez sa channel 7 after ng  Zorro nito na kakatapos lang at pinalitan ng Darna? Wala pa raw nailatag na kasunod na gagawing proyekto ni Richard sa Siyete. Ang nakakaloka, apektado raw ang actor sa hidwaan ng nanay nitong si Annabelle Rama at ng executive ng GMA na si Wilma Galvante. Hindi na raw bibigyan ng proyekto ang anak nina Eddie at Annabelle. Ang mananatili na lang daw sa ngayon ay ang kakambal nitong si Raymond Gutierrez na napapanood sa Showbiz Central at kung hindi ako nagkakamali ay meron ding show sa QTV. Naku, ano kaya ang masasabi nina Annabelle at Richard sa tsikang ito?

NAGPALIWANAG NA ANG naging kontrobersiyal na bagong National Artist ng bansa na si Direk Carlo J. Caparas. Inilatag na niya ang knayang panig laban sa mga naninira sa kanya na hindi siya deserving na maging National Artist. Pati ang maybahay nitong si Donna Villa ay nagpahayag narin sa mga detractors ng asawa nito. Kesyo hindi lang daw matanggap ng iba na si Carlo ang napiling National Artist.  Ayon nga sa magaling na komiks artist ng bansa at magaling na director, bakit niya isasauli ang ibinigay sa kanya? Ibinigay ito nang kusa at karapat-dapat naman siyang maging National Artist dagdag pa ng asawa nitong si Donna. At siya lang daw ang National Artist na may trabaho at hindi nawawalan ng project. Hmmm…. Oo nga naman. Kung ano ang ibinigay sa kanya ay nakalaan na ito.

Binabatikos si Direk Carlo na kesyo malapit ito sa Malakanyang.Hmmm… Masyadong napupulitika ang pagiging National Artist ni Direk Carlo ayon sa asawa nito. Ang gusto lang naman ni D, dapat magtulungan hindi ‘yung puro paninira na lang. Oo nga naman. Kaya dapat tama na ang isyung ‘yan. Tigilan na! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding