Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, wala nang itinatago

ADVERTISING

Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, wala nang itinatago

1 Sarah-Lahbati-Richard-GutierrezTAMA NGA ang kuwento nila noon na aamin sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa bagong show nila na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Iyon ang unang pasabog nila sa bagong reality show na ‘yun na napapanood tuwing Linggo sa ETC.

Sa next episode nga raw nito ay ipapakita na nila ang baby na tiyak super cute. ‘di ba?

Diyan siguro nahuhumaling ngayon si Annabelle Rama, dahil siyempre kay Richard ‘yan, ‘no!

ADVERTISING

Sinusubukan pa namin na ma-interview si Richard at Sarah, pero hindi pa yata puwede dahil may commitment sila sa It Takes Gutz.

At least wala na silang itinatago, ‘di ba?

Marami nga ang nakapansin kay Sarah na parang lalong gumanda. Malaki talaga ang nagagawa ng wala ka nang itinatago kaya malaking bagay ‘yan kay Sarah, sa pagbabalik niya sa GMA 7.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING