Richard Gutierrez, papunta na sa pagkalaos?!

ADVERTISING

Richard Gutierrez, papunta na sa pagkalaos?!

Richard Gutierrez, papunta na sa pagkalaos?!HINDI DAPAT paulit-ulit na ipinapangalandakan ni Richard Gutierrez ang plano niyang pamamahinga muna sa showbiz, lalo pa’t kung sa ibang bansa siya maglalagi. Kapag kasi ang isang artista ay sikat na sikat katulad niya na isang matinee idol, hindi dapat nagpaplano ng mga pansamantalang pagkawala sa limelight.

Sa nangyaring kasikatan nina Nora Aunor, Vilma Santos at Sharon Cuneta ay wala sa kanila dati ang pamamaalam na ganyan. Mahirap daw ‘yan.

Puwedeng sabihin na sa ngayon, si Richard ay hindi pa napakahusay na actor pagdating sa larangan ng pag-arte. Pero sa showbiz, ang pangalan ng brother ni Ruffa Gutierrez sa bakuran ng GMA-7, kahit ang mga artista ng ABS-CBN ay alam at tanggap na Hari sa kabilang network si Richard.

Nakakatakot siyang mawala, dahil sa panahong ito ay may lamlam ang kanyang kasikatan. Baka masingitan siya ng ibang artista ng Siyete na gusto ring sumikat, at sa pagbabalik ng anak ni Annabelle Rama ay iba na palang actor ng GMA ang pumuwesto sa dati niyang kasikatan.

ADVERTISING

Hindi dapat magtagal na mawala si Richard. Baka makalimutan na siya ng mga tao at matulad sa pag-alis noon ni Sandara Park na nang umalis at bumalik ay nalungkot, dahil wala na raw pumapalakpak at pumapansin sa kanya.

Richard Gutierrez, papunta na sa pagkalaos?!Hindi masyadong pinag-usapan ang huling teleserye ni Richard, at wala ring panggulat ang dating ng  trailer ng bagong movie niya na ipalalabas, kasama si Marian Rivera. Kung magbabakasyon mula sa showbiz, dapat mag-iwan muna si Richard ng kakaiba at positibong ingay tungkol sa career niya para kasabikan at hintayin ang kanyang pagbabalik.

MAHAL NA rin talaga ng ABS-CBN at malaki ang tiwala nila kay Jessy Mendiola, kaya lagi siyang nakapagbibida sa kanyang mga teleserye. Hindi naman nagkakamali ang Kapamilya network sa pagbibigay ng mga proyekto sa kanya, dahil nakaaarte naman siya. At sa totoo lang din, mabait siyang artista sa mga nakakasalamuha niya sa showbiz, na nagugulat kapag nakikita siya sa personal, na siya pala ang Jessy Mendiola.

Hindi lang magalang si Jessy, maganda rin siya, na kapanta-pantasya, na ang linis-linis ng rehistro ng hitsura sa TV screen, dahil ang kaputian ng kutis niya ay parang nalilligo sa gatas. Kung uso pa rin nga ang mga pelikulang hubaran ay panalong maging sexy star si Jessy, dahil bukod sa kanyang kaseksihan ay mukha talagang mabango ang kanyang hitsura. Kaya lang, kahit nakakapagbida na siya ay kailangan pa talaga ang pagsusulong sa career niya, dahil mukha pa rin siyang starlet.

Maganda ngayon ang project na Maria Mercedes na kanyang pagbibidahan. Ang teleserye na nga sanang iyan ang maging dahilan ng ABS para mas lalo pang maiangat ang career ni Jessy para maging kahilera ng kasikatan nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Kim Chiu, Maja Salvador, Andi Eigenmann at Julia Montes. Medyo kimi at mahiyain pa kasi ngayon si Jessy, kaya dapat marating niya ang sukdulan ng kanyang kasikatan, dahil mabait nga siyang tao.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING