Richard Gutierrez, may tamang panahon daw para sa kasal nila ni Sarah Lahbati

Richard Gutierrez, may tamang panahon daw para sa kasal nila ni Sarah Lahbati

Richard Gutierrez, may tamang panahon daw para sa kasal nila ni Sarah LahbatiHindi type makiuso at makipagsabayan ni Richard Gutierrez sa mga showbiz couple na nagpakasal na. Ito ang inamin ng aktor nang makausap namin siya sa presscon ng “Ang Panday” ng Viva at TV5 na hudyat ng pagbabalik-teleserye niya sa primetime pagkatapos mamahinga nang maraming taon.

“Uso nga ‘ata. Siyempre, hindi naman tayo makikisabay sa uso. Pero sa tamang panahon ‘yung para sa amin ni Sarah (Lahbati),” pahayag ni Richard Gutierrez sa amin.

Hindi ba nangungulit  si Sarah about their wedding?

“Wala… alam naman niya , namin pareho, na this year nabigyan kami ng opportunities na magkaroon ng magagandang projects , so naka-concentrate kami ngayon sa trabaho. Pero the right time will come,” patuloy  pa niya.

Richard is the lead actor in “Ang Panday” which will start airing sa last week ng February. Si Sarah naman ay isa sa mga bida sa ABS-CBN series na “Written In Our Stars”.

Ano naman ba ang feeling na magkaiba sila ng TV network na pinagtatrabahuhan?

“Well, pareho kaming masaya, ‘yon ang pinakaimportante sa lahat. Masaya siya sa ginagawa niya sa ABS, binibigyan siya ng importansiya ro’n.

“Masaya rin ako rito sa TV5. Ang importante, pareho kaming masaya and we support each other,” sabi pa niya.

La Boka
by Leo Bukas