Richard Gutierrez, malaya nang magtrabaho sa Dos

ADVERTISING

Richard Gutierrez, malaya nang magtrabaho sa Dos

Richard Gutierrez, malaya nang magtrabaho sa DosNGAYONG TAPOS na ang kontrata ni Richard Gutierrez sa GMA-7, malaya itong mag-guest sa shows sa ibang networks, gaya ng ABS-CBN at TV5.

Sa linggo ng gabi, makikipagkulitan ang dating Kapuso Prime Star kay Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice.

Kahit may trangkaso, game si Chard na sumabak sa masayang taping ng GGV nitong nakaraang Wednesday night lang.

Binuking pa ni Vice kung sino ang naging ultimate love ni Richard among his past girlfriends na tsinika raw ng ate n’yang si Ruffa Gutierrez sa una na magkasama sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

ADVERTISING

Binisto rin ng phenomenal box-office star kung gaano protektahan ng binata ang current girlfriend nitong si Sarah Lahbati.

Nalungkot naman ang Unkabogable Star na hindi makapagge-guest ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang show para i-promote ang pelikula nitong Kung Fu Divas with the Comedy Queen no less, Ai-Ai delas Alas, dahil wala sa list ang GGV among the Kapamilya shows na approved by GMA-7 na maaaring labasan ng aktres para sa promo ng nabanggit na pelikula.

Gustung-gusto pa naman daw ng komedyante si Marian, kaya nanghihinayang ito sa pagkakataon na makapagloka-lokahan silang dalawa sa kanyang top-rating Sunday night show.

Abangan din si Vice tonight at 11 sa kanyang last Friday TGISeptember sa Laffline comedy bar sa may Timog Avenue sa Quezon City para sa isang set na gaya ng ginagawa n’ya bilang stand-up comedian noong hindi pa s’ya artista at para rin patuloy na i-promote ang kanyang hit record album.

 

Richard Gutierrez, malaya nang magtrabaho sa DosMAGTA-TATLONG BUWAN na pala ang ipinagbubuntis ni Melai Cantiveros na kauna-unahang anak nila ng kanyang boyfriend na si Jason Francisco.

Kasalukuyang nasa kanila raw sa GenSan ang magkasintahan, dahil namanhikan ang aktor at ang pamilya nito sa pamilya ng komedyana.

Ang balita kasi namin, nais daw ng mga magulang ni Melai na magpakasal ang dalawa, kaya any monument ay ikakasal na sila.

Maselan din daw ang pagdadalantao ni Melai, kaya napagdesisyunan daw nito na kailangan n’ya munang umuwi ng probinsya nila at magpahinga pansamantala sa pag-aartista, kahit malaki-laki ang kinkita n’ya, lalo na sa paglabas sa Banana Nite at Banana Split Extra Scoop.

Anytime naman daw, welcome pa ring bumalik sa mga nasabing show sa ABS-CBN ang komedyante, kahit kasalukuyan s’yang nagbubuntis hanggang bago s’ya manganak, dahil gusto pa rin s’yang tulungan ng kanyang mga producer sa mga naturang palabas, lalo ngayong magkakaanak na s’ya.

Kahit paano ay may naipon naman daw sina Melai at Jason mula sa kanilang pag-aartista, kaya lang ay matitigil daw muna ang pagpapagawa ng bahay ng una para sa kanyang pamilya, ayon sa aming source.

Samantala, nabalita na ayaw nang mag-artista ni Jason at balak na lang nitong maging seaman.

Marami lang ang nanghihinayang sa pagkakataon na ibinigay kay Jason sa mundo ng showbiz, dahil alam naman ng lahat na maganda ang kita rito kung marunong ka lang mag-alaga ng career mo at marunong ka ring mag-ipon.

Napakarami rin kasi ang nangangarap makapasok sa showbiz at mapunta sa kinalalagyan ng dalawa.

Pero sino ba naman tayo para humusga sa pagmamahalan nila at desisyon nila sa panibagong chapter ng buhay nila na gusto nilang tahakin?

Sabi nga raw ni Melai sa isang kaibigan n’ya: level up na kami (sa relasyon nila).

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING