Richard Gutierrez, mahihirapang makipagpukpukan sa mga aktor ng Dos

ADVERTISING

Richard Gutierrez, mahihirapang makipagpukpukan sa mga aktor ng Dos

Richard-GutierrezNALATHALA SA isang tabloid (hindi rito sa Pinoy Parazzi) ang crossover ni Richard Gutierrez from GMA to ABS-CBN. This we are privy to, ang huli naman kasing kontrata ng aktor was for a movie under the network’s film arm.

Matatandaang the last TV series na ginawa ni Richard was Love & Lies, about the same time when he and rumoured girlfriend Sarah Lahbati were deeply in LOVE with each other amidst their “LIES” about the latter’s giving birth to their lovechild.

Nang banggitin namin ang balitang ito sa isang GMA top honcho, we simply got an expressionless reaction, “Talaga? Ah, okay.”

Richard is a big name, no doubt. Being the son of former matinee idol na si Tito Eddie who’s one of the finest veteran actors, malaki itong bentahe para kay Richard.

ADVERTISING

‘Yun nga lang, unlike his father ay limitado ang acting range ni Richard kaya namimili rin ito ng nababagay na role.

With his eventual transfer to ABS-CBN na tahanan ng mga mahuhusay na aktor—the likes of Piolo Pascual, Coco Martin, John Lloyd Cruz—in what genre does Richard expect to be relegated?

With ABS-CBN na kilala sa pagko-conduct muna ng masusing acting workshop in preparation for any upcoming soap, sana’y malaki ang maitulong niyon kay Richard kung determinado siyang makipagpukpukan sa mga daratnan niya in an unfamiliar territory.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING