Richard Gutierrez, ipakikilala si Jewel Mische sa tamang panahon! – Alex Brosas

ADVERTISING

Richard Gutierrez, ipakikilala si Jewel Mische sa tamang panahon! - Alex BrosasRichard Gutierrez, ipakikilala si Jewel Mische sa tamang panahon! - Alex BrosasMASAYANG-MASAYA SI Richard Gutierrez sa bagong resolution ng Department of Justice na pumapabor na idemanda niya ng libel ang Philippine Entertainment Portal (PEP).

Noong July 30, 2009, dinismis ng DOJ ang kaso ni Richard laban sa PEP editors. At noong Dec. 10, ni-reverse ng DOJ ang kanilang naunang desisyon.

ADVERTISING

“Siyempre nagulat ako. I didn’t expect na magkakaroon pa ng gano’ng klaseng decision kasi medyo matagal na ‘yon. But at the same time I was happy kasi nabigyan ng pansin ng DOJ ang kaso. They were able to reverse it, so there’s still justice,” paliwanag ni Richard sa presscon-cum-Christmas party for the press ng Gutierrez family noong Tuesday. Cover ng S magazine ang Gutierrez family sa kanilang Christmas issue kung saan ipinakita ang mansyon ng mga ito.

Si Annabelle Rama ang unang nagbalita ng good news kay Richard. Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng kampo ng aktor ang kanilang mga susunod na hakbang.

In the spirit of Christmas, mapapatawad ba ni Richard ang PEP?

ADVERTISING

“Parang ang dali, eh, ano? Pero wala pa kasi akong naririnig on the other side. They were never apologetic, they never approached us. Before that happened, we were very close to them. We treat them as friends. We invite them in our house. Ngayon, wala kaming natatanggap na text messages from them. Right now we’re gonna take the righteous path and let the court decide na lang,” sabi ng aktor.

Sa kanyang assessment, naging maganda naman sa pangkalahatan ang 2009 para sa kanya.
“A lot of good things happen to me in 2009. A lot of things happened to me but there are also some challenges. It was a balancing act for me. I was able to make my movie Patient X. I was able to release my own cologne for Bench and Coke and other big projects but there are also big challenges.Hopefully for 2010, things will be brighter, more easier.”

Ayaw pag-usapan ni Richard ang tungkol sa tsismis na girlfriend niya si Jewel Mische.

“When the right time comes, I will telly you personally. I don’t think its right to bluntly bring out her name in any of my interviews because there will come a right time.”

Ano ang status ng kanyang lovelife?

“It’s complicated!”

SOBRANG HAPPY NI Gabby Concepcion dahil after fifteen years ay nagkaroon siya ng pagkakataon na muling umarte sa big screen. Kasama si Gabby sa I Love You, Goodbye at leading lady niya rito si Angelica Panganiban with Derek Ramsay completing the love triangle.

Nadoble pa ang kasiyahan ng aktor dahil nakasama pa sa Metro Manila Film Festival ang kanyang movie.

“Talagang napakasaya ko kasi matagal na rin akong hindi nakagawa ng pelikula. Ang nakakatuwa pa, muli kong nakatrabaho si Direk Laurice Guillen. Napakaganda ng story ng movie namin. At ang gagaling ng mga artista ngayon lalung-lalo na sina Angelica at Derek,” sabi ni Gabby.

Ang isa pang ikinatuwa ng aktor ay sabay silang nag-host ng kanyang anak na si KC Concepcion ng Christmas special ng Dos.

“Hindi ko nga akalain na posibleng mangyari iyon,” say ng aktor.

TALAGA PALANG SADSAD na sa rating ang Sis nina Janice de Belen, Carmina Villaroel at Gelli de Belen. Tinalbugan na raw kasi ito ng Showtime hosted by Vhong Navarro and Anne Curtis.

Ang napakababang rating daw ng show ang siyang naging dahilan kung bakit tsugi na ang programa ng tatlong TV host. Papalitan na ito ng Bigay Todo, isang game show to be hosted by Bayani Agbayani.

Matagal na ring namayagpag sa ere ang Sis at isang Showtime lang pala ang makakatalbog sa kanila.

Ang tsika sa amin, hindi raw kasali si Janice sa Bigay Todo dahil hindi siya bagay. Sina Gelli at Carmina lang daw ang ka-join ni Bayani.

With this, tanging Darna na lang ang show ni Janice sa GMA-7.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING