Richard Gutierrez, ‘ikinalakal’ ang anak nila ni Sarah Lahbati sa reality show

ADVERTISING

Richard Gutierrez, ‘ikinalakal’ ang anak nila ni Sarah Lahbati sa reality show

Richard-Gutierrez-Sarah-LahbatiEXCITED ANG marami sa kung anong pag-amin na gagawin ni Richard Gutierrez sa isang katanungan na naka-hang NA matagal nang gustong tuldukan ng media. Ito’y tungkol sa isyung may anak na sila ni Sarah Labhati.

Matapos ang ilang panahong pag-iwas at pagsisinungaling, heto’t inamin na rin sa wakas nina Richard Gutierrez na totoo na may anak na ang one of showbiz pretty boy na kapatid ni Ruffa Gutierrez.

Pero noon pa man, may pagdududa na ang media. Noon pa man na biglang lumayas si Sarah Labhati na sinundan naman ng binata sa Switzerland, may kutob na ang marami sa showbiz na its true na buntis ang girlfriend nito at heto’t bumalandra na rin na may anak na nga ang binata.

Kung hindi pa ikinalakal sa realtiy show nilang pamilya sa isang cable network ang katotohanan, hindi pa marahil malalaman ng media at ng publiko kung ano ang totoo sa likod ng pananahimik nina Richard at Sarah last year.

ADVERTISING

‘Di nga ba’t isa sa mga publicity slant ng show before ng airing ng unang episode last Sunday ay dapat abangan ng marami ang pag-amin ni Richard tungkol sa sinasabing anak nila ni Sarah na si Zion.

This coming Sunday, sa pangalawang epsode ng cable show ng Gutierrez Family, ipakikita na ang bata tulad sa pagbabalita ni Raymond noong unang episode.

Pero naloka ako sa reaksyon ng social media na naglabasan sa sinasabing revelation ni Richard sa tunay niyang estado at tungkol sa anak niya sa pagkabinata na anak naman ni Sarah sa pagkadalaga.

In short, tulad ng sinasabi ng marami na “there’s no business like show business, ang pag-amin niya exclusively sa reality show nilang pamilya is a big business para sa pretty face ng showbiz.

Sabi nga ng isang komento sa sa social media: “Pera-pera lang ‘yan. Wala naman silang career kaya need nilang ibenta ang personal nilang buhay. Kaya ano mang reaksyon ng public, wala na lang sisihan.”

Kung ano man ang dahilan ng paglilihim ni Richard sa sitwayon nila ni Sarah noon at nang pumutok ang balita na may anak na sila, silang dalawa lang ang nakababatid.

Pero sa totoo lang, mas interesado ako sa magiging revelation ng kakambal ni Richard na si Raymond kung idi-discuss or maging topic sa show nila kung ano ba talaga ang kanyang sexual preference. Is Raymond straight, bixesual or gay?

Tulad ng tsismis tungkol kay Richard noon na binigyan na rin niya ng kasagutan, ang hanging question na ito, dapat na rin sigurong sagutin ni Raymond sa cable show nila para masabing 100% reality show ang palabas nilang pamilya sa cable.

At si Ruffa Gutierrrez, may aaminin pa kaya siya? With or without the cable show, aliw kami sa pagiging prangka ni Ruffing kahit may ilang pagkakataon na ang pagsisinungaling niya ay idinadaan na lang niya sa kakikayan niya and with her positive attitude, love pa rin namin ang hitad.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING