Richard Gutierrez, hindi pinanood ang pilot episode ng La Luna Sangre!

ADVERTISING

Richard Gutierrez, hindi pinanood ang pilot episode ng La Luna Sangre!

Richard Gutierrez, hindi pinanood ang pilot episode ng La Luna Sangre!KAHIT PILOT EPISODE ng bagong serye na La Luna Sangre last night (napapanood after Ang Probinsyano) kung saan may mahalagang role na ginagampanan si Richard Gutierrez as Sandrino, mas pinili nito na sorpresahin si Sarah Labhati sa premiere night ng horror movie nito na “Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz” kaysa sa panoorin nito ang serye.
 
Kaya naman ganda-gandahan si Sarah last night (na maganda naman talaga as always) dahil binigyan siya ng magandang sorpresa ni Chard na hindi niya inaasahan.
 
 Aminado si Sarah na alam niya na gusto ni Chard na panoorin ang palabas, pero mas pinili nito at ipinagpalit ang La Luna Sangre para makasama ang partner last night.
 
Ganda nila pareho tingnan. Both are beautiful.
 
Richard Gutierrez, hindi pinanood ang pilot episode ng La Luna Sangre!
Richard Gutierrez & Sarah Lahbati

Sa mga nagtatanong nga kay Sarah kung bakit wala si Richard bago siya sinorpresa:
“Sabi ko nanonood siya with the entire family. Nag-order sila ng food at nagpe-prepare sila ng party,” kuwento ni Sarah sa mga press people.

ADVERTISING
 
Sa kasalukuyang estado ng mga careers nila, happy siya for Richard na ngayon ay nasa Kapamilya Network na.
 
At siya naman, wala ba siya plan na sumunod kay Chard sa ABS-CBN as a good career move?
 
“Wala pa. Wala pa offer from ABS-CBN or Star Cinema,” sagot ni Sarah sa tanong sa kanya.
 
Last night, ang pilot episode ng La Luna Sangre na nag-trending sa social media ay nakakuha ng 33.9% ang show na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (next week sila lalabas) at John Lloyd Cruz at Angel Locsin at syempre ang love ni Sarah na si Chard versus ang 13.8% ng My Love from the Stars na bida naman si Jennylyn Mercado sa kalabang istasyon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING