Richard Gutierrez, ‘di na kukunin ng Siyete

ADVERTISING

Richard Gutierrez, ‘di na kukunin ng Siyete

Richard-GutierrezKUNG HINDI na interesado ang GMA-7 na kunin ulit ang dating Hari ng Kapuso Network na si Richard Gutierrez, maganda rin para sa kanya ang plano na siya ay lumipat na lang sa ABS-CBN. Kumportable rin naman siya sa mga tauhan ng Dos dahil nakagawa na siya ng pelikula sa Star Cinema kapareha noon si KC Concepcion. Big star na talaga ang brother ni Ruffa Gutierrez, kaya ngayong balik-showbiz na siya ay dapat talagang ihataw niya ang kanyang career.

Marami na ring pinagbidahang pelikula si Richard na kumita sa takilya. Kaya nga sa bakuran dati ng Siyete ay siya ang katapat ng kasikatan nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz at Coco Martin. Hindi kailangang kabahan kung pagdating sa larangan ng pag-arte ay hindi pa ka-level nina Piolo, Lloydie at Coco si Richard. Kung kukunin kasi siya ng Kapamilya Network, hahasain muna talaga siya sa acting. Magaling maghasa ng talento ang Dos, sa totoo lang.

Ilang buwan din kasing nabakante si Richard, kaya medyo lumusog din siya at nawala ‘yung astig ng kanyang porma na nakabibilib talaga sa kaguwapuhan. Next time din, huwag siyang mamamaalam na mawawala sa showbiz, dahil baka masingitan ulit siya. Huwag din siyang mapipikon, pero acting na lang niya ang dapat ayusin sa kanya. Maraming naghihintay na siya ay maging totoong actor at hindi guwapong mukha lamang.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING