Richard Gutierrez, certified Kapamilya na!

ADVERTISING

Richard Gutierrez, certified Kapamilya na!MISS NIYO NA ba si Richard Gutierrez? Kung isa kayo sa mga loyal fans ng actor, we’re happy to let you know that he is set to make a grand TV comeback soon via ABS-CBN!
Yes, certified Kapamilya na nga ang dating Hari ng Kapuso network.

 

ADVERTISING

Kamakailan lang nang ibalita namin dito na magtatambal muli sina Richard at dating ka-loveteam na si Angel Locsin for a Star Cinema movie na pasok din sa cast si Angelica Panganiban. This time naman ay pumirma ang tila fresh na fresh na actor ng exclusive contract sa Dos.

Ang La Luna Sangre ang magiging unang proyekto ni Richard as a Kapamilya. Gaganap ito bilang Sandrino, ang hari ng mga bampira. Sa ngayon ay hindi pa naming matukoy kung isa ba siya sa mga bida o magiging main villain ba ito laban kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Richard Gutierrez has signed with Star Cinema! #WelcomeRichardGutierrez

A post shared by STAR Cinema (@starcinema) on

ADVERTISING

Nang tanungin tungkol sa possibility na magkatapat ang bagong palabas niya laban sa Mulawin vs. Ravena (ang fantaserye na nagpasikat sa kanila ni Angel Locsin), Richard was humble and respectful enough to say that he is grateful to GMA, but he likes where he is at the moment. Kunsabagay, nagkasunod-sunod ang mga fantaseryeng ginawa nito noon sa siyete at mukhang nakabuti pa nga sa kanyang personal life ang pagbuo niya ng pamilya with partner Sarah Lahbati and their cute little one na si Zion.

Matagal-tagal na rin nilayasan ni Richard ang Kapuso network with Love and Lies as his last project. Ironically, ang mga main co-stars niya sa action series na sina Bela Padilla, Michelle Madrigal at Sid Lucero ay pare-parehong bumalik sa ABS-CBN.

Lumabas din ito sa not so successful na TV remake ng Panday sa TV5.

 

With a promising TV show and highly anticipated reunion movie with Angel Locsin, mukhang magiging makulay ang showbiz career ni Richard Gutierrez this year! Wish lang namin na later on ay magkaroon din sila ng action-drama ni Angel. I’m sure ‘yan din ang dasal ng loyal ChardGel fanatics!

ADVERTISING