Richard Gutierrez, balik-showbiz; kapareha si Sarah Lahbati sa bagong pelikula

ADVERTISING

Richard Gutierrez, balik-showbiz; kapareha si Sarah Lahbati sa bagong pelikula

EXCITED na ang aktor na si Richard Gutierrez sa magiging unang proyekto niya sa muling pagbabalik sa showbiz. Espesyal daw ito sapagkat ang magiging ka-love team niya ay si Sarah Lahbati na mismong partner niya at ina ng kanyang anak.

Richard Gutierrez, balik-showbiz; kapareha si Sarah Lahbati sa bagong pelikula
Sarah Lahbati & Richard Gutierrez (courtesy of Instagram: @sarahlahbati)

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe sina Richard at Sarah. Pero sa kanilang pagbabalik sa bansa, agad na silang sasabak sa bago nilang proyekto under Viva Films.

Kailan lang, inamin ng ina at manager ni Richard na si Annabelle Rama na namimili ng trabaho ang aktor. 

Aniya, marami sana itong natatanggap na offers, pero tumatanggi ito. May offer pa nga raw rito ang ABS-CBN, pero bahala na raw itong magdesisyon kung kanya itong tatanggapin o hindi. Kapag may dumating daw na proyekto, binabasa raw muna nito ang script.

ADVERTISING

Sa ngayon, ang nais ni richard ay ang mga proyektong hindi pa niya nasubukang gawin. Katulad ngayon, handang-handa na siya sa nasabing proyekto na pagsasamahan nila ng kanyang patner in life na si Sarah.

ADVERTISING