Richard Gutierrez, ayaw nang magpatali sa kahit saang TV network

ADVERTISING

Richard Gutierrez, ayaw nang magpatali sa kahit saang TV network

Richard-GutierrezSA BACKSTAGE ng AFP Theater, kung saan ginanap ang 27th PMPC Star Awards For TV, nakatsikahan namin sandali si Richard Gutierrez at malugod naman kaming pinagbigyan ng macho at guwapong actor para sagutin ang tanong kung saang TV network siya pipirma ng kontrata.

“Actually, nagdesisyon talaga ako na this year ay wala muna akong pipirmahang exclusive contract sa TV network,” say ni Chard na kasama ang kakambal na si Raymond Gutierrez at mag-utol ding Toni at Alex Gonzaga na naging emcee that night ng Star Awards.

Sa tsikahan pa namin sa actor, tila mas gusto niya kung pipirma siya uli ng kontrata sa alinmang network ay hindi na exclusive kundi per project na lang tulad ng ginagawa ni Michael V na puwede kahit saan TV network lumabas dahil per project ang kontrata nito sa GMA 7 at TV 5.

“Parang hirap kasi na nakatali ka ng three years sa isang network. Hindi ka makagalaw kapag may gusto kang gawing project. Not like kapag per project ka ay puwedeng magawa mo ang gusto mong project or show,” say pa ni Chard.

ADVERTISING

So, walang magaganap na pirmahan ng exclusive contract si Chard next year sa TV 5, GMA 7 or even ABS-CBN kung may offer.

Tungkol naman sa lovelife ng actor. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan, tanda na masaya siya kung anuman mayroon siya at kung totoo ngang may anak na sila ni Sarah Lahbati.

Hindi na namin tinanong kung totoong may anak na sila ni Sarah bilang respeto sa actor na pinagbigyan kami na makausap siya kahit na busy sa pagho-host that night.

Richard-Gutierrez

PINABALIK PALA si Rachelle Ann Go sa London noong first week of November para sa final audition sa role na Gigi para sa Miss Saigon. Hindi na nga raw niya inaasahan na makakasama pa siya dahil one year ago pa nang mag-audition siya rito. Pero hindi pa rin daw siya umasa na mapipili dahil nang bumalik siya ng ‘Pinas ay wala pa ring katiyakan.

Na-comfirm lamang niya na nakapasa siya at napiling Gigi sa Miss Saigon sa tweet sa kanya ni Lea Salonga na unang gumanap na Kim sa Miss Saigon at kay Isay Alvarez na gumanap bilang Gigi sa West End.

Sobrang saya ni Rachelle na finally natanggap siya bilang Gigi sa Miss Saigon, pero ang ikinatatakot niya ay ang pagsusuot raw ng two-piece bikini at napa-“Oh my God!” pa siya na sana raw ay kayanin.

Wala raw siyang choice kundi gawin at magsuot ng two-piece bikini dahil isang bar girl si Gigi sa Miss Saigon na ginawa na rin ni Ms Lea Salonga noon. Advice daw tuloy sa kanya ni Lea na for the experience ‘yun na puwede niyang ipagmalaki. Hihingi raw siya ng advice kay Isay at umaasa na makausap din niya si Monique Wilson na nakasama rin noon sa Miss Saigon.

Mahihiwalay si Rachelle sa kanyang pamilya ng 14 months. At dahil doon ay mag-isa siya na kailangang matutong magluto ng sariling pagkain at maglaba ng kanyang damit.

Nakatakda siyang umalis ng bansa sa March next year para sa simula ng kanyang rehearsal dahil May ang simula ng kanyang performance bilang Gigi as bar girl.

Ask kung mayroon ba siyang maiiwan na special someone sa kanyang pagkawala ng 14 months sa ‘Pinas? Wala siyang binanggit na pangalan pero pinagdiinan na dapat daw maghintay ito sa kanyang pagbabalik.

Isa pa sa maghihintay sa pagbabalik ni Rachelle ay ang exclusive contract na pinirmahan niya sa GMA-7.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING