Richard Gutierrez at Dennis Trillo, dapat kabahan kay Dingdong Dantes?!

ADVERTISING

Richard Gutierrez at Dennis Trillo, dapat kabahan kay Dingdong Dantes?!

Richard Gutierrez at Dennis Trillo, dapat kabahan kay Dingdong Dantes?!

DAPAT KABAHAN sina Richard Gutierrez at Dennis Trillo sa nangyayari ngayon sa career ni Dingdong Dantes. Silang tatlo ang laging pinagkukumpara sa bakuran ng GMA-7, dahil sinasabing sa Kapuso Network ay silang tatlo ang mga hari, dahil sa dami ng mga alagang artista ng Siyete ay kakaiba ang narating ng kanilang kasikatan.  Kaya nga, hanggang ngayon ay sina Richard, Dennis at Dingdong pa rin ang mga aktor ng nasabing kumpanya na kanilang pambato at pinagkakatiwalaan.

Good karma kasi si Dingdong, dahil mabait siyang tao. Ilang ulit nang lumamlam ang kanyang movie career, dahil sinasabi noon na ham actor siya at walang mararating, dahil kaguwapuhan, magandang height at galing lang sa pagsasayaw ang talent niya. Pero mapakisama at matiyaga si Dantes para sa ikauunlad ng kanyang career. Maingat din kasi siya sa kanyang hitsura, kaya naman ilang ulit na rin niyang nagiging puhunan ang mala-Adonis niyang kaguwapuhan, kaya ilang ulit din siyang nakabalik sa kasikatan niya.

Ngayon ay kinikilala nang mahusay na actor si Dingdong. Nitong huli, hiniram na siya ng Star Cinema para gumawa ng pelikula. Mahirap mapantayan ang Star Cinema sa pagpo-promote ng mga proyekto, kaya lalong mag-iinit ang kasikatan ng guwapong actor. Habang sina Richard at Dennis ay parang may konting lamlam ngayon ang kasikatan. Mga bagets na artista ang uso nga-yon sa GMA. Nabantaliwan pareho sina Richard at Dennis, dahil si Richard ay huminto na ang kahusayan para maging actor, puro kaguwapuhan lang. Si Trillo naman ay naapektuhan ang career dahil sa mga kinasangkutang kontrobersiya, lalo na ang maeskandalong paghihiwalay nila noon ni Jennylyn Mercado, kaya napagbintangan tuloy siyang pakitang-tao lang ang kabaitan.

ADVERTISING

 

MADULAS LANG talaga sa kataklesahan ang dila ni Kris Aquino, pero mapupuri mo naman siya sa kanyang ugali na kapag nagsalita at gusto na niyang panindigan ang kanyang naging desisyon sa buhay, tinutupad naman niya iyon. Katulad na lamang sa mga panahong ito, na para pa rin siyang nagmumurang-kamyas, na kung kiligin sa mga guwapong kalalakihan ay hindi itinatago ang kanyang nararamdamang paghanga. Pero hanggang doon lang talaga ‘yon.

May taste naman kasi si Kris sa pagpili ng mga lalaking gusto niyang purihin. Pero sa mga panahong ito, kahit ilang kilig pa sa mga guwapong lalaki ang kanyang maramdaman ay napakahirap pa rin ng kanyang sitwasyon para muli siyang makatagpo ng lalaking magkakaroon ng tapang na panindigan siya. Nariyan na kasi ‘yung kanyang mga katangian na milyonarya siya at sikat na sikat. Napakalakas din ng dating ng kanyang personality, kaya tumitiklop ang mga kalalakihan na gustong pumorma sa kanya, lalo na kung mas bata ang edad kesa sa kanya.

Mahirap din ang sitwasyon ni Kris, dahil bagets na nga si Baby James Yap, at nagpaparamdam siya ng pagrereklamo kapag may ibang lalaking gustong manligaw kay Tetay. Marami ang bilib sa mommy ni Jos-hua, dahil kapag nagdesisyon na siyang bumitiw sa isang relasyon ay pinaninindigan iyon kahit mahirapan at masaktan siya. Nagawa na niya iyon kina Phillip Salvador at Joey Marquez. Kahit si James Yap ay nagulat din nang bumitiw sa kanya ang mommy ni Bimby.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING