Richard Guitierrez is pressed with issue of overspeeding!

ADVERTISING

Richard Guitierrez is pressed with issue of overspeeding!

Richard Guitierrez is pressed with issue of overspeeding!INIIWASAN NI SID Lucero na sagutin ang isyung kinasangkutan nito tungkol sa insidenteng nangyari sa isang hardware store na may tinutukan daw ito ng screwdriver.

ADVERTISING

Hindi pa sinagot ni Sid ang isyung ‘yun, kaya nu’ng nakorner ito sa nakaraang Gawad Urian, kung saan tinanghal siyang Best Actor, napilitan siyang sagutin ito.

Ang sabi lang naman ni Sid, pinayuhan daw siya ng GMA-7, ng abugado niya at manager na huwag na munang magbigay ng statement dahil hanggang news pa lang naman daw ito.

Wala pa naman daw reklamo o kasong nakarating sa kanya, kaya hintayin na lang daw muna niya kung merong kasong isasampa.

ADVERTISING

Nandu’n sa awards night ang Mommy niyang si Bing Pimentel at sinabi lang nitong meron daw talagang naninira sa anak niya kaya mabuting huwag na lang daw patulan.

Mas excited pa ngayon si Sid sa bagong project niya sa GMA-7 na Amaya lalo na’t ka-partner nito si Marian Rivera.

Malaki ang pasasalamat ni Sid kay Marian dahil napakabait daw nito sa kanya at na-ging kampante daw siya agad sa aktres.

Malapit nang magsimula ang Amaya at aminado si Sid na may pressure ito sa kanya dahil ipinagkatiwala sa kanya ang project na ito, kaya kailangang maibigay raw niya ang ini-expect ng GMA-7 sa kanya.

 

GAYA NI SID, lumaki din agad ang isyu kay Richard Gutierrez na nahuli ng traffic enforcer ng MMDA ang driver niya dahil sa over-speeding sa may Commonwealth Avenue nu’ng nakaraang Miyerkules.

Pagkatapos kasi ng nangyaring aksidente roon na naging sanhi nang pagkamatay ng UP professor at journalist na si Chit Simbulan, nagkaroon ng bagong traffic rule doon sa Commonwealth na hanggang 60kph lang ang puwedeng takbo doon.

May driver naman si Richard at ito ang nahuli ng overspeeding, pero ayon sa lumabas na balita, kaagad na nagalit daw ang aktor at naging rude daw ito sa traffic enforcer na nanghuli sa kanila.

‘Yun ang unang lumabas na balita na kaagad namang nilinaw ni Annabelle Rama pagkatapos nitong tinubos ang lisensiya ng driver nila sa MMDA.

Nagsalita na raw ang traffic enforcer na humuli sa driver nila at nilinaw na walang ginawang kabastusan o anong ‘di maganda si Richard laban sa kanya.

Ang sabi raw nito, base sa kuwento ni Annabelle, narinig daw ng nanghuli na nagalit si Richard pero hindi naman daw siya ang pinagalitan kundi ang driver nito. Pero sinunod naman daw nila ang batas at hinayaang tiketan sila.

Sabi nga ni Richard, sana kinuha naman daw muna ang side niya bago inilabas at pinalaki na ang balita.

Walang kamalay-malay raw si Richard na may ganu’n nang balita na kumalat dahil busy naman ito sa taping ng Captain Barbell.

Wala naman daw siyang Twitter o Facebook, kaya hindi nito alam kung ano ang mga nangyayari. Nagulat na lang daw siya na kalat na kalat na pala ito ay pinag-usapan sa internet.

Kaya sina Ruffa at Raymond na ang nagtanggol sa kanya.

Nalinaw na rin naman ang isyung iyan, siguro wala nang lalabas at hindi na ito palalakihin pa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING