Richard Gomez, tigas sa pag-ayaw na tumakbong senador

Richard Gomez, tigas sa pag-ayaw na tumakbong senador

Richard-GomezNANG MAKAUSAP namin si Richard Gomez sa aming radio show, sa Radyo Inquirer 990 AM station every 3 to 5 PM, nabanggit niya na hinding-hindi siya siya tatakbong senador sa darating na eleksiyon sa susunod na taon.

“Hindi ako tatakbong senador. Medyo mahirap ang bagay na ‘yan, dahil nga buong Pilipinas ang kailangang ikutin mo. At isang malaking gastos ‘yan,” sey niya.

Mukhang pahinga muna si Richard sa pulitika, dahil nga susuporta muna siya sa kanyang asawang si Congressman Lucy Torres-Gomez.

Ang matunog na balitang tatakbong mga artista sa Senado ay sina Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Isko Moreno, at Dingdong  Dantes. Susuportahan ba niya?

“Oo naman, kasamahan ‘yan sa industriya. Si Herbert, I doubt kung tatakbo siyang senador. Basta nandito lang ako kapag kailangan nila ng tulong,” sey niya.

Sa mga hindi nakaaalam, nagdaos ng 17th wedding anniversary sina Richard at Lucy last April 28.

Anong sikreto ng pagsasama?

“Ang sikreto namin, ‘yung open communication. At siyempre ‘yung tiwala,” sey ni Chard.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!