Richard Gomez, susubukan muling mag-mayor sa Ormoc

Richard Gomez, susubukan muling mag-mayor sa Ormoc

Richard-Gomez-Lucy-TorresSA TOTOO lang, inaabangan ko ang pagpa-file ni Richard Gomez ng kanyang COC sa huling araw ng filing na nagtapos lang Friday. Noong huling hirit ng filing, maraming mga showbiz personalities ang naki-join na rin sa magulong muno ng politika (lokal man or nasyonal).

Pero si Goma ang inaabangan ko dahil alam ko, matagal na niyang gusto (at sa kagustuhan na rin ng mga taga-Ormoc City sa Leyte) na maglingkod siya nang pormal bilang mayor nila. ‘Yun nga lang, sa dami ng mga nagne-nega sa aktor para maupo at maglingkod sa Ormoc, heto’t sa nakaraang eleksyon, inisyuhan na naman siya sa kanyang residency sa lungsod.

Pero noong nakaraang delubyo sa pananalanta ng bagyong Yolanda almost two years ago, kaagapay ng aktor ang mga kaibigan at ang misis niyang si Congresswoman Lucy Torres na nalingkod nang totohanan. Sa sarili nilang konesyon at ayuda na hiningi nila sa mga kaibigan nila at koneksyones, nairaos ng mag-asawa sa kanilang personal na kakayahan na makatulong sa mga taga-Ormoc at sa 4th District ng Leyte na balwarte ni Rep. Lucy. Si Goma naman, with or without a position, tumutulong at napatunayan nila ng misis niya na mas malawak ang serbisyo na magagawa niya kung pareho sila (mayor at kongresista) ng akhikain na tunay magkapagbigay-serbisyo publiko sa kanilang kinasasakupan.

Sa mga social media, hindi ko nababasa ang filing ni Goma. Ang nakita ko lang ay ang picture nila ni Cong. Lucy na kuha during Lucy’s filing of her COC last Thursdy to run for reelection sa darating na May 2016. Una kong nabasa ang balita that Goma is runnin for mayor next year sa news agency na rappler.com.

I’ve texted Goma asking him personally if he is running for mayor of Ormoc. As of this writing, wala pa kaming nakukuhang sagot mula sa aktor. Pero last minute bago namin na-email ang column nating ito, Goma replied to us thru text message at ang short message niya ay: Yes, I filed last minute to support Lucy’s campaign.”

Sa pagpasok ni Goma officially sa local politics ng Ormoc, hopefully, this time ito na ang tamang panahon para patunayan niya sa kanyang mga detractors na kahit hindi siya Waray, mahal niya ang mga taga-Ormoc na noon pa man ay pinagsisilbihan na niya sa tulong ng kanyang misis na si Rep. Lucy. Goodluck to both Goma and Rep. Lucy.

Reyted K
By RK VillaCorta