Richard Gomez, rumesbak sa buwelta ng Gabriela

ADVERTISING

Richard Gomez, rumesbak sa buwelta ng Gabriela

Richard-Gomez“EH, KUNG siya kaya ang itali sa leeg ni Lucy (Torres-Gomez) at hihilahin siyang parang hayop, ano mararamdaman niya?”
‘Yan ang naging pahayagn ng Gabriela bilang sagot nila sa binitiwang statement ni Goma na walang dapat ihingi ng sorry si Coco Martin dahil “art” lamang ang ginawang pagrampa ni Coco na hila-hila ang taling nakasabit sa leeg ng isang babae habang parang aso itong rumarampa sa The Naked Truth ng Bench.
Pero ang huling pahayag ng Gabriela ay muling sinagot ni Goma thru his FB status na itinag pa ng aktor ang article online na sinabi ng Gabriela na siya kaya ang talian sa leeg ni lucy at hilahin?
“This group wants to interfere with the creative processes, with art and entertainment. They should just continue being street parliamentarians or go back to the mountains.
“Huwag na kayong makialam sa fashion, art and entertainment. Peace!”
Nako, ‘pag ganyan ang mga reactions ng magkabilang panig, medyo matatagalan pa ito.
Sana nga, matapos na ito. Magkaroon sila ng dayalog at magkasundo.
Parehong may punto, pero kani-kaniya ring bigay ng opinyon ang mga netizens, kaya abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING