Richard Gomez, pa-pogi lang sa relief operations?!

ADVERTISING

Richard Gomez, pa-pogi lang sa relief operations?!

Richard Gomez, pa-pogi lang sa relief operations?!

 INIINTRIGA SI Richard Gomez na kaya raw umeeksena ngayon sa pamamahagi ng mga relief goods mula sa ABS-CBN kasama ang ilang Kapamilya stars, ay nagpapapogi na, dahil sa muli niyang pagtatangka na pumasok sa larangan ng pulitika.

Pero hindi na nagpapaapekto si Goma sa mga ganyang tira sa kanya, dahil alam niya sa kanyang sarili na maganda ang kanyang intensiyon kaya gusto rin niyang maluklok sa posisyon na dati na niyang ina-asinta, pero nabigo pa rin nga sila na iyon ay makuha.

Hindi lang naman ang wife ni Richard na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez ang bilib kay Goma sa maganda niyang layunin na makatulong sa masa. Marami talaga sa mga kaibigan ng magaling na actor ang nagdarasal na sana’y palarin na siyang magkaroon ng posisyon sa pulitika para mapatunayan na niya sa publiko ang gusto niyang isakatuparan na pagtulong. Good karma naman kasi siya, dahil kung hindi siya pinalad noon, ang kanyang wife niya ang puwede at ngayon ay seryosong nanunungkulan.

ADVERTISING

Mga inggit lang naman ‘yang bumabatikos kay Richard, dahil kontra silang makalusot si Goma na ma-ging pulitiko. Pero si Richard ay tuloy lang sa kanyang mabubuting gawa. Mahal siya ng masa ngayon, dahil nagmarka siyang muli sa mga tao dahil sa teleser-yeng Walang Hanggan.

Buhos ang kaloob nga-yon ni Goma sa pagtulong sa mga nasalanta ng baha, lalo na kapag nadidinig at nakikita niyang masasaya ang mga nabiktima ng baha kapag nakakakita ng mga artistang dumadamay sa kalunus-lunos nilang sinapit dulot ng katatapos na habagat.

 

BLIND ITEM: Mayroong tipo at pangalan ng mga aktor sa showbiz na kapag pinagkuwentuhan tungkol sa pagpapaligaya sa larangan ng romansa ay laging nababanggit ang isang sikat na actor, sa mahirap daw kalimutan, pero hindi mo gugustuhin na habambuhay ay maging suki siya sa panandaliang-aliw na may kabayaran.

Katulad na lamang ng lihim na pakiki-pagrelasyon ng actor na tawagin natin sa pa-ngalang Oliver Diaz sa kung sinu-sinong babae at mga bading.

Mula ulo hanggang paa ay sasambahin ng mga nagpapantasya si Oliver, dahil guwapo siya, matangkad, makinis at malinis ang kutis na la-ging parang bagong paligo sa bango. Alaga sa gym ang kanyang katawan, kaya larga iyon sa ganda. Panalo rin daw sa laban ang kaligayahan ng kanyang hinaharap, dahil may taglay siyang kadakilaan. Maga-ling siyang sumimple na magtago ng lihim, at iyon ay mula sa pinagdaanan niyang pakikipagrelasyon sa mga bading, matrona at mga tipong kolehiyala na nagkakagusto sa kanya.

Masarap daw magbalik ng pagmamahal si Oliver, pero mahal siya kung sumi-ngil. Magaling siyang mambitin para siya’y habul-habulin. Maamo ang mukha ni Oliver, kaya hindi mo mahahalatang siya’y oportunista. Hangga’t kaya mong magbayad ng mahal ay makakaya kang paligayahin ng actor. Kapag simot na ang kaban ng yaman sa wallet at bank account ng mga kaku-yangyangan niya, ang mga sumasamba sa katawan niya ang kusang sumusuko at bumibitiw. Ganyan daw katindi magpaligaya at humuthot si Oliver.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING