Richard Gomez, nakatanggap ng 2 best supporting actor nomination sa FAMAS

Richard-GmoezNASA LONDON ngayon si Richard Gomez para sa show ng Kapamilya Network na ASAP Live in London na handog ng TFC para sa kanilang worldwide caravan. Nandu’n halos karamihan sa mga performers and stars ng ASAP, kung saan sa series of international shows nila ay palaging dinudumog ng mga kababayan natin.

Waging-wagi ang mga fans nila lalo pa’t ang mga sikat na mga artista ng Kapamilya Network ay nandoroon tulad nina Liza Soberano at Enrique Gil, Maja Salvador, Piolo Pascual, singers Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Martin Nievera and a lot more.

Laking gulat ni Goma na sa araw ng kanyang pagdating sa UK ay nakatangap siya ng mensahe na habang nasa ibang bansa siya ay nominated siya sa darating na 63rd FAMAS awards na mangyayari sa September 20. Gaganapin ang awarding ceremony sa Newport Theater of Performing Arts sa Resorts World.

Sa naturang award-giving body, dalawa ang nominasyon ng aktor sa Best Supporting Actor Category sa kanyang performance bilang ama ni Daniel Padilla sa She’s Dating A Gangster at sa pelikulang The Trial where he played a lawyer of John Lloyd Cruz na isang special child na inakusahan ng pangagahasa na in the end napatunayan na gawa-gawa lamang ni Jessy Mendiola (ang diumano’y ni-rape ni JLC).

Magaling si Goma sa both roles na ginampanan niya. No doubt na magaling ang aktor sa lahat ng field na pinapasok niya. Mapa-showbiz man o ‘di kaya’y sports, palaging nag-e-excel si Richard. Kamakailan nga lang ay nagwagi siya ng Gold Medal sa fencing.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleMarion Aunor, hindi na pa-sweet ang image
Next articleAi-Ai delas Alas, matindi pa rin ang galit sa staff ng PEP

No posts to display