Richard Gomez, matapos ma-injure, sasabak sa championship ng volleyball game

ADVERTISING

Richard Gomez, matapos ma-injure, sasabak sa championship ng volleyball game

Richard-GomezSA DARATING na Sunday, championship game na sa larong volleyball ng grupo ni Richard Gomez na Systema Volleyball team. Noong nakaraang Linggo, kaya pala hindi siya nakapaglaro ay dahil sa injured siya and he needs to recuperate sa severe muscle spasms due to too much jumping and sprinting.

ADVERTISING

Kaya for almost a week, rest muna si Goma. Sa kanyang Instagram posting, may photo siya na ang bandang right shoulder niya ay dumaan sa acupuncture para mawala ang pain, para sa darating na championship game ay ready’ng-ready na ang aktor.

Bukod sa isang magaling na aktor si Goma, isang sportman din siya at nag-excel sa fencing, rowing, horseback riding (equestrian yata ang tawag sa kanila), and even track and field. Bukod sa mga nabanggit na sports, into fishing din si Goma.

Naalala ko noong panahon na ang KAPP (Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino) sa yearly Star Olympics ay halos lahat ng events at kategorya, kasali si Goma and maloloka ka, palagi siyang wagi.

ADVERTISING

Sa totoo lang, ‘di ko alam kung papaano naisasaayos ng aktor ang kanyang hectic schedules dahil bukod sa pagsi-showbiz at sa kanyang hilig ngayon at pagiging aktibo sa larong volleyball, abala rin siya sa pagsuporta sa misis niyang si Congresswoman Lucy Torres na very active pa rin sa pagtulong sa kanyang constituents sa Ormoc City. Habang ang ibang mga pulitiko ay nanahimik na sa kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, tuloy pa rin mag-asawang Goma at Rep. Lucy sa pag-ayuda sa kanilang mga kababayan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING