Richard Gomez, matapos ang ilang pagtatangka, mauupo na ring mayor ng Ormoc City; asawang si Lucy Torres, congresswoman pa rin ng 4th district ng Leyte

Richard Gomez, matapos ang ilang pagtatangka, mauupo na ring mayor ng Ormoc City;  asawang si Lucy Torres, congresswoman pa rin ng 4th district ng Leyte

Richard Gomez and Lucy Torres
Richard Gomez and Lucy Torres

Happy kami kay Richard Gomez dahil after ng ilang attempts sa local politics sa Ormoc City ay nagwagi rin siya.

Naalala ko na ilang beses nag-try si Goma pero nauuwi sa wala ang pinaghirapan niya during the campaign. But this time with his pagtitiyaga at makikita mo naman na tunay na nagtrabaho siya nang husto, lalo na during the Yolanda typhoon, ang pagtitiyaga at paghihirap ni Goma ay nagkabunga.

Sa katunayan, sa kanyang proclamation kamakailan as the newly-elected Mayor of Ormoc ng Comelec, proud na proud ang misis niya na si Leyte 4th District Congresswoman Lucy Torres dahil makatutuwang na niya ang mister sa pagpapaunlad ng Ormoc at maging ang kanyang distrito.

May plano si Goma na dalhin ang showbiz sa Ormoc, kung saan puwedeng mag-taping or shooting ang mga television at movie outfit para maipakita ng mga ito ang kagandahan ng lunsod at maging ang kabuunan ng Leyte.

Kahapon, Wednesday, May 11, isinagawa naman ang proclamation ni CW Lucy sa local Comelec branch sa Ormoc.

Naalala ko ang sabi ni Goma nu’ng nagpaplano pa lang siyang tumakbo as mayor ng Ormoc noon, “Sana kung magkagkaroon ako ng chance, mas maganda na magkatulungan kami ni Lucy,” sabi ng aktor.

Reyted K
By RK VillaCorta