Richard Gomez, matalas talaga ang dila

ADVERTISING

Richard Gomez, matalas talaga ang dila

Richard-GomezNOON PA man, matalas na ang dila ni Richard Gomez. Ilang beses na rin ba siyang nalagay sa alanganin dahil sa kanyang pagiging matabil. I remember noong bago pa lang si Goma noon sa showbiz (presscon yata ng Dyesebel with Alice Dixson) na tinayuan namin siya sa interview dahil sa pagiging diretso niyang sumagot na hindi namin nagustuhan.

Sa katunayan, nabuo ang grupong Makinilya na samahan ng mga entertainment press against Goma noong 80’s, kung saan naging mainit ang tunggalian ng press at ng aktor.

Dahil mas nakilala namin siya, naintindahan namin kung sino at ano si Richard Gomez.

Ngayon, si Goma, in defense of Coco Martin, Ben Chan at ng Bench (siya ang nagpasikat sa clothing brand) versus ang women’s group na Gabriela, ‘di ko alam kung saan hahantong.

ADVERTISING

Sa pagkakakilala ko sa aktor, kung ano ang tama, kung ano ang pinaniniwalaan niya, ‘yun ang pangangatawanan at paninindigan niya. Sa muling pagiging aktibo niya sa showbiz after na mag-resign as Chief of Staff ng misis na si Rep. Lucy Torres, The Richard Gomez of Philippine Showbiz is back hindi lang sa bagong obra ni Chito Roño na The Trial ng Star Cinema, kundi ang tunay na Richard Gomez na na-miss namin nang matagal. Welcome back, Goms!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING