Richard Gomez, lagare sa showbiz commitments at pangangampanya sa Ormoc

Richard Gomez, lagare sa showbiz commitments at pangangampanya sa OrmocBilib kami sa kaibigang Richard Gomez kung papaano niya naisisiksik ang mga schedules niya na bukod sa kanyang showbiz career, sa kanila sa Ormoc City sa Leyte, todo pa rin ang trabaho niya para makilala sa lungsod na handa na siyang maglingkod sa mga kababayan niya.

Sa showbiz, bukod kasi sa regular tapings niya for his teleserye na “You’re My Home” para sa Kapamilya Network with Dawn Zulueta, ilang araw rin ang inilalaan niya para sa pagte-taping. Sa katunayan, kahapon, March 9, may taping siya para sa isang magandang MMK episode na naka-schedule i-broadcast sa darating na Sabado.

May tanong kasi kami sa aktor tungkol sa kabisihan ng schedules niya sa Ormoc at kung papaano siya nakapaglalagare from Manila to Leyte na super hectic ng gawain niya.

Sa short private message sa amin ni Richard Gomez sa Facebook: “Can i do this tomorrow (Thursday) na kasi may taping ako today for MMK. It will be shown on Saturday (March 12).

“Isa akong tricycle driver na may 3 anak pero nag pursiging tapusin ang college hanggang nakakuha pa ng master’s degree. Naging isang teacher at nagpatuloy pa rin sa pagiging tricycle driver para buhayin ang pamilya. Nice episode ito. Tnx!,” mensahe niya sa tanong namin.

Next week, abangan ang detalye ng sagot ni Goma sa tanong namin tungkol sa mga plano niya sa Lungsod ng Ormoc. Balita ko kasi, pati ang mga kasuluk-sulukang kabundukan na sakop ng Ormoc ay dinarayo pa rin ng aktor para alamin ang mga suliranin at hinaing ng mga kababayan niya na maaari niyang matugunan sa tulong na rin ng misis niyang si Congresswoman Lucy Torres ng ika-apat na distrito ng Leyte na sakop din ang Ormoc.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleMike Tan, siguradong-sigurado raw na wala siyang video scandal
Next articleXian Lim, ‘di na kailangang amining sila na ni Kim Chiu

No posts to display