Richard Gomez, kilala ang mga tagong bading sa showbiz

ADVERTISING

Richard Gomez, kilala ang mga tagong bading sa showbiz

Richard-GomezUMIRAL NA naman ang pagiging prangka ni Richard Gomez. Sa isang interview kasi sa actor, nasabi nito na maraming artistang lalaki ang hindi naman tunay na lalaki? Sinundan pa ‘yun na maitago man daw ‘yun ay lalabas din ang katotohanan balang araw dahil lalabas at mabubulgar din ito.

Siyempre ikagugulat ito kapag nabuko at mayroon din naman na hindi na magugulat dahil matagal na nilang alam ang tunay na kulay ng dugo ng isang nagtatagong actor. ‘Di nga ba, isa-isa na ngang naglantaran ang mga sikat na actor na isa palang bading?

Dahil dito ay marami na naman ang magagalit kay Richard dahil sa sinabi niyang maraming actor ang hindi naman tunay na lalaki. Hindi kaya, one of this day ay isa sa mga actor na pinagdudahan ni Goma ang gender ang maging isa sa magiging contestant niya na maglalaro sa Quiet Please na siya ang host?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING
ADVERTISING