Richard Gomez, kaiinggitan ang pagiging ‘hot papa’ sa pelikula

ADVERTISING

Richard Gomez, kaiinggitan ang pagiging ‘hot papa’ sa pelikula

Richard-GomezILANG TAON na ba si Richard Gomez? Basta sagot ng aktor sa amin sa text kahapon habang isinusulat namin ito, Hahahaha… 35 and above na. Hahaha…”

ADVERTISING

Hindi na rin kabataan, pero with his looks, kahit sino, mahuhumaling pa rin sa kanya. Ang mga nasa edad 21-23 na mga kabataan ay payag na maging girlfriend sila ni Goma kahit alam nilang may asawa na ito. Ang mga young and not so young moms ay type pa rin siya to be their woman ng aktor kung may pagkakataon.

Si Goma ang Adonis ng showbiz bago pa sumulpot si Piolo Pascual. Kaya nga suwerte ang misis na si Rep. Lucy Torres na sa dinami-rami ng mga babae sa buhay ng aktor, bago nagpakasal sa kanya, siya ang napiling mahalin habambuhay na nagbunga ng anak nilang si Julianna.

Dalaga na si Julianna na sinundan ng publiko ang pagbubuntis ng ina hanggang sa mailuwal siya ni Lucy na ngayon ay nagmana sa kanyang ina na isa sa may pinakamagandang mukha sa Pilipinas. Manang-mana siya sa ng mom niya. Kay Goma siguro malamang namana ni Julianna ang pagiging athletic nito who is into ball sports (soccer & volleyball) at maging ang fencing, kung saan minsan ding nag-excel ang ama.

ADVERTISING

Maintaining a physically fit body, mahirap din lalo pa’t showbiz ka na kapag puyat sa kate-taping at shooting, kadalasan sa hindi, sa food trip mo binabawi ang pagod at stress. Kaya si Goma is into volleyball pa rin at ilang mga sports na siyang nagpapa-maintain ng katawan niya bukod sa pagda-diet.

Sa mga posting ni Goma sa kanyang facebook account, kung saan-saan ang food tripping nila ng kanyang pamilya together with his volleyball team, pero maintained pa rin ng aktor ang magandang pangangatawan.

The last time na nakita namin nang personal ang aktor was at the grand presscon ng pelikula niyang The Trial na posturang-pustura. Sayang nga lang at ‘di kami nakapagpakuha ng picture kahit inaya na niya ako dahil nandu’n siya sa sulok nakapuwesto at mahirap sa akin na lapitan dahil sa tungkod ko at sitwasyon.

Sa pelikulang The Love Affair ng Star Cinema, seksing-seksi si Goma sa love scene nila ni Bea Alonzo na ikai-insecure for sure ni Zanjoe Marudo. Sa madaling salita, sa mga love scenes na kadalasan ay ang babae ang inaabangan kung ano ang gagawin niya sa eksena, this time, ang machismo pa rin ni Goma ang inaabangan ng mga kababaihan, lalo na ng mga beki.

Sa pelikula nila ni Bea, kasama rin nila ang screen sweetheart ng actor na si Dawn Zulueta na ipalalabas na come August 12.

Kung sina Jean Garcia, Jennlyn Mercado, Eula Valdez, at Aubrey Miles ay tinaguriang “Hot Mamas”, si Goma, siya lang marahil sa kasalukuyan at nag-iisa na puwede kong tawaging “Hot Papa”. Meron pa bang iba? Waley na!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING