Richard Gomez, itinangging nagpatutsada siya kay Sharon Cuneta

ADVERTISING

Richard Gomez, itinangging nagpatutsada siya kay Sharon Cuneta

Richard-GomezRICHARD GOMEZ denied that he took a swipe at Sharon Cuneta. Naimbiyerna kasi si Goma noong taping ng tawaserye ni Sharon dahil late dumating ang megastar. But in a recent interview, nilinaw ni Richard na ang production staff ang kanyang kinaimbiyernahan at hindi si Sharon. Parang wasted time kasi ang nangyari dahil hindi kaagad nakapag-taping. Nainip siguro ang Goma kaya naman nag-post ito ng photo ng kanyang relo sa Instagram account at nagpatutsada.

ADVERTISING

Pero nang makausap namin ang isang taga-TV5, sinabi sa amin na talagang si Sharon naman ang pinatututsadahan ni Goma dahil na-late ito ng dating sa kanilang taping.

Ano ba itong si Goma, akala ko ba ay diretso at prangka siya, bakit hindi niya maamin na si Sharon ang pinaringgan niya sa kanyang tweet?

Well, hindi na bago ito kay Goma. Years ago, when we asked him kung papasok siya sa politika during a presscon for his and Regine Velasquez’s movie, with seeming finality ay sinabi niyang hindi. Sabi pa niya, bakit naman siya gagastos ng milyones para lang ma-elect. And what do you know, he run for public office, ‘di ba? Pero lost ang beauty niya.

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING