Richard Gomez, hindi kumbinsido sa dahilan ng Resorts World incident!

ADVERTISING

Richard Gomez, hindi kumbinsido sa dahilan ng Resorts World incident!

Richard Gomez, hindi kumbinsido sa dahilan ng Resorts World incident!
Mayor Richard Gomez

ISA SI RICHARD GOMEZ sa mga showbiz local celebrities na gusto namin.

 

Alam ni Goma na love naming siya dahil sa pagiging opinionated, straightforward at pagiging vocal niya sa mga issues sa buhay at maging sa pulitika.
 

Basta may isyu na kailangan niya i-share sa media, lalo na sa publiko ang opinion niya, hindi mo na kailangan pilitin si Goma na magsalita. Siya mismo mang may kusa tulad sa short posting niya today (Saturday) sa kanyang Facebook account.

 

ADVERTISING

Kaya nga dahil sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila kamakailan, madaming mga Pilipino ang ’tila hindi kumbinsido sa paliwanag ng mga otoridad kung bakit nagkaganun at kung anu-ano at samu’t saring dahilan na kung kabilang ka sa “The Thinking Filipino”ay hindi ka dali-dali makumbinsi na ganun na lang ang paliwanag nila kung bakit nangyari ang hindi dapat mangyari.

 

Tulad sa opinion ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ay may malaking katanungan ang aktor.

 

“How can the RWM gunman shoot himself and burn himself to death? If reports says that he is a regular high roller player at the casino how come they do not have an idea of who he is? “ tanong ni Mayor Goma.

 

Dagdag pa niya:”Pakisuot nyo nga ang kamiseta nyo ng pabaligtad para hindi maligaw ang pag explain!!! (na kasabihan sa probinsiya na pangontra na ma-maligno ang pagbaliktad ng suot na t-shirt). Meron bang tanga na nakalagay sa forehead natin?!”

 

Ha ha ha… nakaka-miss si Goma, huh!

 

Mula nang manalo as Mayor ng Ormoc, pansamantalang iniwanan ni Goma ang showbiz at nag-concentrate sa kanyang trabaho bilang pinunong bayan ng lungsod.

 

On weekdays sa Ormoc siya based at uuwi na lang ng Manila on a Friday or the following day.

 

Iba ka Goms. ‘Yan ang nami-miss ko sa mga artista natin sa kasalukuyan. Mabuhay ka!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING