Richard Gomez, hanggang tingin lang daw sa ibang babae

ADVERTISING

Richard Gomez, hanggang tingin lang daw sa ibang babae

Richard-GomezTIWALA SI Rep. Lucy Torres sa kanyang mister na si Richard Gomez. Kahit may kanya-kanya silang lakad (ngayon pa na busy si Goma sa kanyang pagiging aktibo sa showbiz), hindi maiiwasan na mag-isip ang marami na kung solo flight ang aktor, hindi kaya siya napapatingin sa ibang mga babae lalo pa’t matikas pa rin ang aktor at yummy.

Pero malaki ang tiwala si Rep. Lucy sa kanya. “Good boy naman ako. Kahit maraming girls, patingin-tingin lang. Pangiti-ngiti lang. All bark, no bite,” sabi ni Goma.

Sa pagiging aktibo muli ni Goma sa showbiz after niyang mag-resign as Chief of Staff ni Rep. Lucy, mas naging busy si Goma sa kanyang mga aktibidades.

Ang alam ko nag-aaral siya para paigihin ang kanyang kaalaman sa sports kaya kumukuha siya ng masteral education.

ADVERTISING

Bukod sa pag-aaral, abala pa rin siya sa larong volleyball kung saan nagko-compete sila sa iba’t ibang events.

Kung tama ang bilang ko, may limang araw na lang sila sa shooting para sa Almost A Love Story na pelikula ni Direk Chito Roño para sa Star Cinema where he plays the role of a lawyer, kung saan kasama niya sina Gretchen Barretto, Sylvia Sanchez and John Llyod Cruz na sa October na ipalalabas.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING