Richard Gomez, hands-on mayor ng Ormoc City; deadma na muna sa showbiz

ADVERTISING

Richard Gomez, hands-on mayor ng Ormoc City; deadma na muna sa showbiz

Richard Gomez
Richard Gomez

Mukhang hindi na nga babalik sa showbiz si Richard Gomez.

Mula nang manalo sa pagka-mayor ng Ormoc City, tila nakapokus na si Mayor Goma sa paglilingkod sa kanyang constituents tulad ng pangako niya noong nakaraang eleksyon.

Base sa daily activities ni Mayor Richard na nakikita namin at nababasa sa kanyang Facebook account, loaded siya sa kaliwa’t kanang meetings with his staff at maging sa iba’t ibang departamento sa kanyang LGU.

Tama lang na gamitin ni Mayor Goma ang Facebook Live (isang mobile application), kung saan ang daily activities niya as mayor ng Ormoc ay nasusubaybayan ng kanyang kababayaan. Napanonood nila kung ano ang ginagawa ng masipag nilang punong-bayan.

ADVERTISING

Kung dati, ang local government officials natin ay tuwing Lunes (sa flag ceremony) lang nakikita at nakauusap ng taumbayan, this time, sa kaso ni Mayor Goma, available siya sa mga taga-Ormoc almost five times a week.

I remember sa huling Facebook chat namin ni Mayor Richard, on weekeds ay nasa Manila siya to be with his family.

“Pagdating ng Lunes, I fly back to Ormoc taking the first flight to serve my constituents,” sabi niya.

Sa totoo lang, ang ganda ang feedback sa amin ng isang kaibigang travel agent na tubong Ormoc, na mula nang umupo si Mayor Goma bilang lingkod-bayan nila, mas naayos ang mga pangangailangan ng mga taga-Ormoc.

“Pursigido siya na makatulong sa mga taga-Ormoc. Dati ‘yong Lake Danao na walang nakaaalam at deadma, nagkai-interest na ang mga kababayan ko na dalawin. Maganda ang eco-tourism project ni Mayor Richard sa amin,” kuwento ni Marianne Tismo sa amin na tubong Ormoc City na isang travel agent at nagmamay-ari ng Amkor Travel na may branch office sa downtown Ormoc City mismo.

Sa katunayan, mula nang ayusin ni Mayor Richarcd ang Lake Danao para maging eco-tourism destination sa Ormoc, maraming tourista na rin ang naipadadala ng travel agency ng kaibigan namin, na paniwala niya na kapag nagtuluy-tuloy lang ito, malaking tulong sa mga kababayan ni Mayor Richard.

Nakami-miss na rin si Mayor Goma. ‘Pag may pagkakataon at hindi siya busy sa pagiging lingkod-bayan ng Ormoc, maurirat nga siya kung kailan siya muling magsi-showbiz, dahil nagtatampo na ang mga tagahanga at supporters niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING