Richard Gomez-Dawn Zulueta love team, wala pa ring kupas sa box-office

Dawn-Zulueta-Richard-GomezSOBRANG THANKFUL sina Richard Gomez, Dawn Zulueta at Bea Alonzo sa success ng pelikula nilang The Love Affair ng Star Cinema. Ang gagaling naman kasi ng mga artistang nagsiganap. Wala pa ring kupas ang tambalang Richard-Dawn na hanggang ngayon ay tinatangkilik ng kanilang mga fans. May kakaibang karisma ang dalawa kaya’t patok sa manonood ang tandem nila.

Kahit marami ng achievement as an actor si Chard, nakaapak pa rin ang paa nito sa lupa. Napaka-gentleman sa kanyang mga naging leading ladies kaya halos lahat ng artistang babae, gusto siyang makatrabaho. Puring-puri nga ni Bea ang actor, inalalayan siya sa love scene nilang dalawa. Hinayaan ni Richard na ma-relax si Bea bago kunan ang passionate love scene nila. Very artistic lumabas ang love-making nila. Nag-swak kasi sa personality nila ang character na ginagampanan.

Maging si Dawn, natural ang ipinakitang galing sa pagarte. Sakto lang ang mga eksena niya with Richard at Bea. Parang hindi umaarte, napaka-natural, effortless. Hindi OA. Maging sina Al Tantay at Ana Capri, ang huhusay nila kahit maikli lang ang role nila sa pelikula. Tumatak sa isipan ng manonood ang eksena ng dalawa.

Ganu’n na lang ang pasasalamat ni Direk Nuel Naval sa Star Cinema dahil puro magagaling na artista ang nakatrabaho niya. Ayon kay Direk, may contribution sina Richard, Dawn, at Bea kaya naging madali para sa kanya ang trabaho. Pinag-usapan nilanmg tatlo bago kunan ang eksena. Wish nga ng baguhang director na sana raw sa susunod ng movie nina Richard at Dawn, siya pa rin ang director. Congrats!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleMartin Nievera, excited at pressured sa concert sa The Theater
Next articleTom Rodriguez, naiyak habang ikinukuwento ang pinagdaanan sa showbiz

No posts to display