Richard Gomez, binanatan si Sen. Antonio Trillanes

ADVERTISING

Richard Gomez, binanatan si Sen. Antonio Trillanes

Richard-GomezISA SI Richard Gomez sa mga showbiz personalities natin na noon pa man ay matabil na ang dila. Kung sakali, may latay man ang mga statement ni Goma paminsan-minsan, bilib kami sa aktor dahil kung ano ang paniniwala niya, pinaninindigan niya.

Sa kanyang Instagram account last Thursday (October 30), may posting ang aktor tungkol sa napanood niyang Senate hearing tungkol sa isyu ni Vice President Jejomar Binay na tila nanagasa ng tactless na si Sen. Trillanes.

Statement ni Goma: “while watching the senate investigation sabi ni Trillanes “magaling ka magsinungaling pwede kang mag-artista(na tinutukoy ang isa sa mga iniimbistigahan niya); na pre-judge mo na kaming mga artista. Eto naman ang sasabihin ko Trillanes, ‘yung nag-mutiny pero sumusuko lang dahil sa tear gas pwedeng maging senador! sa Pilipinas!”

Oo nga naman, si Trillanes talaga, kung uriin ang mga taga-showbiz, akala mo kilala niya.

ADVERTISING

Naalala ko noong Oakwood Mutiny na pinamunuan niya, ang ending, tama si Goma na dahil sa tear gas, sumuko ang maingay lang na senador, na para rin sa amin ay puro rin dakdak.

Kung susundan mo ang Senate hearing, barumbado ang dating ni Sen. Trillanes. Parang kanto boy na naghahanap ng basag ulo na sa ganang akin, parang gusto lang niyang umeksena.

Ewan ko kung saan hahantong ang isyung ito tungkol sa maanghang na statement ng aktor sa eksenadorang senador.

Aminin ko, noon, akala ko iba si Sen. Trillanes dahil bago at idealist, pero kinalaunan, waley rin.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING