Richard Gomez at Dawn Zulueta, walang paki kahit makalkal ang nakaraang relasyon

Richard-Gomez-Dawn-ZuluetaIN JUST six days ay naabot na ng pelikulang The Love Affair ang P100 million mark. Papasok pa lang sila sa second week ngayong Miyerkules kaya posibleng madagdagan pa ng another P100 million ang gross ng film.

Kitang-kita namin ang sipag sa pagpo-promote nina Dawn Zulueta, Richard Gomez, at Bea Alonzo. Aba, nakailang mall tours din sila, huh! Bugbog din sila sa TV guestings. O, ‘di ba, at their age, sobrang energetic pa rin si Chard at Dawn, huh!

Wala ring pakialam ang dalawa, kesehodang makalkal ulit ang tungkol sa kanilang nakaraang relasyon and in fairness, game na game silang sagutin ang mga tanong tungkol dito. Nakatutuwa ang attitude nina Chard at Dawn.

And what they are reaping now is just the fruit of their hard labor. Kumbaga, nag-paid off lang ang lahat. And they really deserved it.

Anyway, pagkatapos ng The Love Affair, balik na ulit sa taping ng teleseryeng You’re My Home sina Dawn at Richard. Medyo na-compromise kasi ang taping ng soap dahil kailangang mag-give way sa syuting noon ng pelikula hanggang sa promo nito.

Si Bea naman ay muling makapa-partner si John Lloyd Cruz para sa sequel ng One More Chance.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAlden Richards at Yaya Dub, ‘di totoong ‘di pa nagkikita?
Next articleDaniel Padilla, type si Yaya Dub?

No posts to display